(Kabacan, North Cotabato/ July
9, 2013) ---Halos lahat ng barangay sa bayan ng Kabacan ay apektado na ng sakit
na dengue.
Ito ang lumabas sa pinakahuling
report ni Disease Surveillance and health Emergency Management Coordinator
Honey Joy Cabellon kungsaan tatlong beses na mas mataas ang kaso ng dengue sa
Kabacan ngayong quarter kumpara sa nakaraang tatalong buwan.
Sinabi ni Cabellon na ang brgy.
Buluan lang ang walang naiulat na nagkasakit dahil sa dengue.
Batay sa kanilang tala, ang
Poblacion pa rin ang may pinakamataas na kaso kungsaan umabot ito ng 76.
Karamihan sa mga nagkakasakit ay
mga batang lalaki, edad 11-20-anyos.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang
paalala ni Municipal Health Officer Dr. Sofronio Edu, Jr., na paiigtingin ang
paglilinis sa loob at labas ng tahanan.
Ipatupad ang 4S campaign ng DOH
at ang pakikipag-ugnayan sa mga purok liders na magsagawa ng clean up drive
activity. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento