Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Pres. Derije, bumaba na sa kanyang pwesto

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 11, 2013) ---Tuluyan ng bumaba sa kanyang pwesto si USM Pres Dr. Jesus Antonio Derije makaraang lagdaan nito ang fallback position bilang University Professor.
         
Ito ang sinabi ni Dr. Derije sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay na rin ng pagkumpirma ng nasabing ulat mula kay OIC Pres. Christopher Cabilen.

Sinabi ni OIC Cabilen na isa ito sa mga tatalakayin sa gagawing BOR meeting ngayong araw.


Sa pahayag ni Dr. Derije, sinabi nito na hindi na umano kailangan pang pag-sumite siya ng resignation letter dahil aniya sapat na ang fallback position na nilagdaan nito na nagtitiyak na bukas na ang USM for the search ng bagong Presidente.
         
Naging emosyunal ang dating pangulo sa ginawa nitong desisyon pero wala na umano siya’ng magagawa dahil kung ipupursige nito ang kanyang sarili ay masasakripisyo naman daw ang klase ng mga mag-aaral.
         
Sa ngayon sinabi ni Cabilen na naghihintay na umano ng bagong assignment ang dating Pangulo kungsaan possible umano siyang ilipat sa Commission on Higher Education o CHED Region XI sa Davao city.
         
Samantala, maituturi namang tagumpay sa panig ng mga raliyesta ang ilang buwang ipinaglalaban ng mga ito kungsaan nagsimulang magsagawa ng kilos protesta ang mga ito noong Enero a-14.
         
Nagdulot naman ng pagkabalam sa ilang mga academic activities ang isang makasaysayang kilos protesta sa pamantsan kungsaan nasugatan ang 14 na mga police personnel noong buwan ng Marso matapos na magkagiriaan ang mga pulisya at mga raliyesta.
         
Nag-ugat ang rally matapos ang mga akusasyong ibinabato kay derije hinggil sa graft at corruption at abuse of power, pero itinanggi ng dating opisyal ang nasabing parating.
         
Ito makaraang nasasangkot umano ang pangulo sa iba’t-ibang anomalya lalo na sa proyekto diumano sa Pamantasan.
Sa ngayon nakabinbin pa ang kaso nito sa ombudsman.
         
Samantala, sinampahan naman ni Derije ng negligence at dereliction of duty sa Civil Service Commission (CSC) Region 12 ang higit 80 mga empleyado ng USM.  
         
Kinasuhan rin ng sedition sa Regional Trial Court ni Derije ang 50 nilang mga empleyado at mga estudyante, kasama ang 12 mga indibidwal, dahil sa umano pagsisimula ng gulo sa loob ng unibersidad. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento