Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Militar nasa defensive mode kontra BIFF

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2013) ---Matapos maglunsad ng preemptive at surgical operation ang hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas laban sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nananatili ngayon sa defensive mode ang tropa ng 6th Infantry Division.

Sinabi ni AFP Public Affairs Office chief Lt. Col. Ramon Zagala, nirerespeto nila ang paggunita ng Muslim community sa buwan ng Ramadan subalit hindi mag-aatubiling maglunsad muli ng operasyon sakaling magsagawa ng pang-aatake ang grupo ni BIFF Commander Umbra Kato.


Dagpag pa ng opisyal na nakaalerto ang puwersa ng AFP at tiniyak na hindi bibigyan ng pagkakataon ang grupo na muling makapagsagawa ng pag-atake laban sa mga sundalo at sibilyan.

Ito matapos ang nangyaring bakbakan noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 80 miyembro ng BIFF.

Sa hiwalay na panayam ng DXVL-Radyo ng Bayan ngayong umaga kay BIFF Spokesperson Abu Misry Mama itinanggi nitong walang may nalagas sa kanila ni daplis ng bala sa nasbing engkwentro.

Taliwas umano ito sa ulat ni 6th ID Commander Maj. Gen. Romeo Gapuz na umakyat na sa 80 ang naiulat na casualties sa hanay ng BIFF subalit 26 lamang dito ang body count.

Sa hanay naman ng AFP, anim na ang kumpirmadong patay, kabilang ang isang Army lieutenant habang dalawa ang sugatan.

Sinabi ng heneral na nakuha nila ang nasabing casualty figures batay na rin sa nakukuha nilang impormasyon mula sa mga sibilyan at pati na rin sa mga sundalo na nakakita mismo na bitbit ng ilang mga BIFF fighters ang kanilang mga nasawing kasamahan. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento