(July 8, 2013) ---Isang opisyal ng sundalao at apat nitong
kasamahan ang nasawi sa bakbakan sa pagitan ng kanilang grupo at Bangsamoro
Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa magkahiwalay na sagupaan sa Maguindanao at
North Cotabato nitong Sabado ng tanghali.
Kinilala ni 602nd
Infantry Battalion, Philippine Army Capt. Anthony Bulao ang mga nasawing
sundalo na sina Lt. Gerardo Flores, PFC Megan Bello at PFC Jonathan Mores
habang ang dalawa sa mga nasawing sundalo ang hindi pa kinilala sa report.
Sa hiwalay na
panayam kay Lt. Peralta sinabi nitong dalawa mula sa kanilang hanay ang
napaulat na namatay habang isa sa panig ng BIFF matapos na magkasagupa
ang di pa malamang
bilang ng mga rebelde sa Paidu Pulangi sa Pikit, North Cotabato, alas-11:30 ng
tanghali, kahapon.
Tumanggi muna si Captain Tony Bulao, ang hepe ng civil
military operations ng 602nd brigade, na kilalanin ang mga
nasawing sundalo hangga’t di pa nila naabisuhan ang pamilya nito.
Sinabi ng opisyal na
nagsasagawa ng law enforcement operations ang tropa nila na nasa ilalim ng 7th IB
nang makasagupa ang mga armadong lalaki sa may boundary ng Paidu Pulangi at ng
Reina Regente sa Datu Piang, Maguindanao.
Nilinaw naman ni 6th ID
Public Affairs head Col Dickson Hermoso na ang ginawa nilang paglunsad ng
opensiba sa Paidu Pulangi ay dahil sa sunud-sunod na mga pag-atake ng ginawa ng
umano miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Tinawag ni Hermoso na
mga ‘peace spoilers’ ang mga BIFF dahil sa mga pag-atakeng inilunsad nito sa
mga bayan sa Sultan Kudarat at North Cotabato.
Sa pinakahuling report,
sinabi si DXVL News si PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP na patuloy
na naka-alerto ngayon ang mga pulisya at militar sa bayan ng Pikit at karatig
lugar sa posibleng pag-atake ng grupo.
Ito matapos na mamataan
ang ilang grupo ng mga armadong pangkat sa boundary ng Brgy. Langayen sa bayan
ng Pikit at brgy. Dungguan sa bayan ng Aleosan.
Ayon kay Maribojo, ilang araw
na rin umanong namataan ang mga pinaniniwalaang grupo ng Bangsamoro Freedom
Fighters o BIFF sa nabanggit na lugar.
Sa ngayon nagpapatuloy ang close
monitoring ng PNP at Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas para tiyaking
ligtas ang lugar sa anumang harassment.
Sa panig naman ng
militar hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawa nilang clearing
operation para hindi na kumalat pa ang kaguluhan sa mga kalapit lugar. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento