Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad para sa Eid’l Fitr, inilatag na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 10, 2015) ---Kasado na ang seguridad ng Kabacan PNP para sa pagtatapos ng pag-obserba ng Ramadan sa Hulyo a-17.

Ito ang pagtitiyak ni PSI Ronnie Cordero, ang OIC ng Kabacan PNP sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ito matapos na idineklara ni Pangulong Benigno Aquino III ang Hulyo 17 na isang holiday bilang pakikiisa sa mga Muslim.

Sa bisa ng Proclamation 1070 ni Aquino ay isang regular holiday ang naturang araw para sa Eid'l Fitr ng mga Muslim.

Turn-over ng Provincial Command sa CPPO, aasahan na!

(North Cotabato/ July 10, 2015) ---Anumang araw simula ngayon ay posibleng lilisanin na ni P/SSupt. Danilo Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office ang kanyang posisyon.

Ito ayon kay CPPO Spokesperson PCI Bernard Tayong matapos na nagpaalam na si PD Peralta sa pagtatapos ng kanyang mahigit dalawang taon na termino sa Cotabato Provincial Police Office o CPPO.

Punong Barangay, Sundalo patay; 1 pa sugatan sa pagsabog ng granada sa Maguindanao

(Maguindanao/ July 11, 2015) ---Nasawi ang isang barangay chairman at isang sundalo habang sugatan ang isa pang Army captain matapos na pasabugan ng granada at paulanan ng bala ang sinasakyan ng mga ito habang binabaybay ang national highway ng Brgy. Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Captain Jo-an Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division (ID) bandang alas-11:35 ng umaga kahapon habang lulan ang mga biktima ng isang kulay asul na tainted na Toyota Revo patungong bayan ng Datu Saudi galing Datu Piang nang hagisan ng granada ang kanilang daraanan ng BIFF rebels at pinaputukan.

Mga bagong heavy/road building equipment na nagkakahalaga ng mahigit P278M pinasinayaan ng kapitolyo

AMAS, Kidapawan City (July 10) – Binasbasan at pinasinayaan kahapon ng mga provincial officials ng Cotabato ang abot sa 27 mga heavy/road building equipment.  
Ang naturang mga heavy/road building equipment ay kinabibilangan ng 2 wheel loader (P28,314,035.52), 3 motor grader (P48,664,748.55), 6 vibratory compactor (P46,730,340.00), 2 back hoe (P22,752,600.00), 6 na 10-wheeler truck (P53,293,590.00), 6 na 6-wheeler truck (P50,370,000.00), 1 self-loading truck (P16,300,314.22) at 1 portable air compressor (P12,145,000.00) na may kabuuang halaga na P278,570,628.29.

44 na Grade 5 Pupils sa Kidapawan City, nalason ng durian candy?

(Kidapawan city/ July 10, 2015) ---Nasa 44 na mga mag-aaral buhat sa Kidapawan City Pilot School ang pinaniniwalang nalason matapos makakain  ng Durian candy kahapon umaga.

Ayon sa adviser ng mga mag-aaral ng grade 5 pupils nakaranas ng pananakit ng tiyan ang 44 na mga kabataan, pagkahilo at pagsusuka habang ang 15 dito ay mabilis na isinugod sa City hospital.

16 na grade five pupils sa Aleosan, isinugod sa pagamutan matapos ang pananakit ng tiyan

(Aleosan, North Cotabato/ July 10, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng Integrated Provincial Health Office ng North Cotabato ang kaso ng mga mag-aaral ng Dualing Central Elementary School sa brgy. Dualing sa bayan ng Aleosan, North Cotabato na isinugod sa ospital matapos na manakit ang tiyan, kahapon.

Ito ayon kay Dra. Eva Rabaya, ang IPHO Head kungsaan inaalam na ng kanyang pamunuan ang report kung buhat sa kinaing Siopao ang dahilan ng pananakit ng tiyan ng mga mag-aaral.

P29M Provincial Centennial Pavilion at P24M Provincial Museum bukas na sa publiko

Photo by: Ralph Ryan Rafael
AMAS, Kidapawan City (July 10) – Matapos ang ceremonial blessing ng multi-million Centennial Pavilion at Provincial Museum kahapon sa Provincial Capitol ay pormal na rin itong binuksan sa publiko.

Ang naturang mga gusali ay ang dalawa sa pinakabagong mga structures sa loob ng kapitolyo mula sa savings ng Provincial Government of Cotabato.
Nagkakahalaha ng P29,974,588.70 ang Centennial Pavilion habang abot naman sa P24,353,992.25 ang halaga ng Provincial Museum.

Suspek na responsable sa pagpatay sa Brgy. Kapitan sa bayan ng Carmen, North Cotabato, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2015) ---Patong-patong na kaso ngayon ang kakaharapin ng suspek na responsable sa pagbaril patay sa dating Kapitan ng Brgy. Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Ito matapos na inilabas ni Regional Trial Court RTC Branch 22 Presiding Judge Laureano Alzate ang Warrant of Arrest na may criminal case number 15-89 ngayong araw laban sa suspek na si Abdulkadir Pepican Salamat aka Tato Kamansali alyas Matitik, 42 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.

Isa na namang matapat na tricycle drayber sa bayan ng Kabacan, nagsaoli ng naiwang laptop sa kanyang sasakyan

Jerry Olinares
(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2015) ---Agad na dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang matapat na tricycle drayber matapos na maiwanan ng isang laptop ang sasakyan nito buhat sa isang pasahero kahapon.

Kinilala ang matapat na tricycle drayber na si Jerry Olinares, residente ng Barangay Kilagasan at may tricycle body number na 1456.

Ang naiwang Acer laptop, ayon sa report, ay nakapangalan kay Bon Louie V. Bacalso.

Hatawan para sa Batang nangangailangan, a North Cotabato wide Hip-hop dance for a Cause ng DXVL, inaabangan na!

(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2015) ---Puspusan na ngayon ang paghahanda ng mga kalahok para sa “Hatawan para sa Batang Nangangailangan” a Hiphop Dance Competition for a cause ng DXVL Radyo ng Bayan.

Ayon kay Brex Bryan Nicolas, head of Production ng DXVL ang Coordinator ng naturang programa ng istasyon na nasa 11 grupo na ang nakapag-sumite ng kanilang official entry.

Nagwalang Pulis sa Kidapawan City, nanganganib na matanggal sa serbisyo

(Kidapawan City/ July 9, 2015) ---Nahaharap ngayon sa kaso ang isang pulis buhat sa President Roxas PNP matapos na magwala at tumangging magbayad sa isang establisyemento sa Kidapawan City.

Kinilala ni Cotabato Provincial Police Office o CPPO spokesperson PCI Bernard Tayong ang nirereklamong pulis na si PO1 Peter Maurice Daquipa na sinampahan ng kasong Estafa at Grave threats.

Banana Plantation sa Maguindanao, pinahihinto ang operasyon matapos babaan ng Cease and Desist Order ng LGU

Photo by: Benjie Caballero
(Maguindanao/ July 8, 2015) ---Posibleng mawawalan ng trabaho ang nasa 800 mga empleyado ng Delinanas Banana Plantation sa bayan ng Datu Abdullah Sangki sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito matapos na ibinaba ng LGU ang Cease and Desist Order o Temporary closure sa nabanggit na kumpanya niotng Hulyo a-2.

Ito ayon kay Municipal Administrator Atty. Mohajerin Balayman sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan.

Municipal Advisory Council Meeting, isinagawa ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Matagumpay na isinagawa ang Additional Municipal Advisory Council Meeting ng Kabacan PNP na isigawa sa USM Hostel, USM Compound, Kabacan Cotabato kahapon.

Ayon kay Kabacan PNP Deputy Chief PI Arvin Jhon Cambang sa panayam ng DXVL News, kasama sa mga lumahok sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan ng Media, MSWDO, Senior Citizen, GAD, Brgy. Poblacion Council, MORO P’COR, Department of Criminal and Justice Education ng USM, Religious Sector, Academe, at LGU Kabacan.

Multicabs at Bagong renovated na Brgy. Hall ng Bangilan ng Kabacan, naiturn-over na;

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Lubos ang pasasalamat ng Brgy. Council ng Brgy. Bangilan sa pamunuan ng LGU Kabacan matapos na tuluyan nang maiturn-over ang kanilang bagong Brgy. Hall at kanila na itong magagamit.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabcan Mayor Herlo P. Guzman Jr. sa programang Unlad Kabacan, inihayag nito na ang Brgy. Bangilan isa sa malayong lugar sa bayan kung saan ay nasa boundary na ito ng Kabacan at bayan ng Matalam.

Supply ng kuryente sa lalawigan ng North Cotabato, unti-unti ng bumabalik sa stable ayon sa COTELCO

(North Cotabato/ July 8, 2015) ---Nasa stable umano na kondisyon ang supply ng kuryente ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa kasalukuyan.

Ito ayon kay COTELCO General Manager Godofredo HOmez sa panayam ng DXVL News.

Anya, ito ay dahil umano sa mataas na lebel ng tubig sa Agus-Pulangi at nakaroon din sila remarketing sa Davao Lights ng 3 megawatts.

Mag-live-in, panibagong biktima ng nakaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Nagbigay ngayon ng paalala ang Kabacan PNP sa mga mamamayan sa bayan na doblehin ang kanilang pagbabantay sa kanilang sasakyan matapos na maitala ang panibagong nakaw motorsiklo sa bayan.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero ang OIC Chief ng Kabacan PNP, naganap ang insidente sa Brgy. Katidtuan nitong weekend araw ng sabado.

Mahigit Isang libung ektaryang lupa, pinag-aagawan sa President Roxas, North Cotabato, sosulusyunan na!

(Pres. Roxas, North Cotabato/ July 8, 2015) ---Matapos pag-usapan ang ugat ng pinag-aawayang lupa sa pagitan ng grupo ng mga Lumad at Kristiyano sa Purok 8, Presidente Roxas, North Cotabato, nakatakda na itong bigyan ng solusyon.
Ito sa pamamagitan ng pagbuo ng Taskforce Greenhills na tutok sa naturang sigalot.

Ayon kay Pres. Roxas Vice Mayor Noel Mallorca, malaki ang maitutulong ng kanilang bubuuing taskforce para malutas na ang awayan sa mahigit isang libong ektaryang lupa sa nabanggit na lugar.

Miyembro ng PNP, itinumba!

(Pikit, North Cotabato/ July 7, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang kasapi ng Pambansang Pulisya makaraang ratratin ng mga di pa nakilalang suspek sa Sitio Lamak, Poblacion sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 6:15 ngayong umaga lamang.

Kinilala ni P/Ins. Sindato Karim, OIC hepe ng Pikit PNP ang biktima na si PO2 Anwar Batingkay, kasapi ng Pikit PNP at residente ng Kidapawan City sa lalawigan.

6 katao, kalaboso sa inilunsad na police operation sa Matalam, North Cotabato, 70 sachet ng shabu, nasamsam

(Matalam, North Cotabato/ July 7, 2015) ---Abot sa halos pitumpung sachet ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa isinagawang search operation sa binansagang Shabu Tiangge sa Purok Islam, Poblacion Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga.

Sa ipinarating na report ng Matalam PNP, narekober ang naturang mga iligal na droga matapos halughugin ng pulisya ang limang mga target na bahay sa bisa ng search warrant na inissue ni Judge Arvin Balagot ng Regional Trial Court Branch 17 ng Kidapawan City.