Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Turn-over ng Provincial Command sa CPPO, aasahan na!

(North Cotabato/ July 10, 2015) ---Anumang araw simula ngayon ay posibleng lilisanin na ni P/SSupt. Danilo Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office ang kanyang posisyon.

Ito ayon kay CPPO Spokesperson PCI Bernard Tayong matapos na nagpaalam na si PD Peralta sa pagtatapos ng kanyang mahigit dalawang taon na termino sa Cotabato Provincial Police Office o CPPO.

Aniya, naghihintay na lamang ng pormal na turn over at order mula sa Camp Crame si PD Peralta upang malipat ang assignment sa Police Regional Office sa General Santos City.

Inihayag din ni PCI Tayong ang mga accomplishments na nagawa ni PD Peralta sa mahigit dalawang taong termino sa CPPO.

Dagdag pa ng opisyal na napamunuan nang mabuti ni Peralta ang probinsiya ng North Cotabato sa kabila ng mga pagsubok at balakid na gawa ng mga armadong grupo at mga kriminal.

Samantala, naghihintay na lamang umano ng pormal na turn-over of command ang opisyal anumang araw simula ngayon.


Pansamantala munang hahawakan ni P/Supt. Noel Kinazo bilang OIC ang binakanteng posisyon ni Peralta habang wala pang napipisil na Provincial Director na ilalagay ang camp crame sa probinsiya. Rhoderick Beñez & Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento