(Kabacan, North Cotabato/ July 9,
2015) ---Puspusan na ngayon ang paghahanda ng mga kalahok para sa “Hatawan para
sa Batang Nangangailangan” a Hiphop Dance Competition for a cause ng DXVL Radyo
ng Bayan.
Ayon kay Brex Bryan Nicolas, head of
Production ng DXVL ang Coordinator ng naturang programa ng istasyon na nasa 11
grupo na ang nakapag-sumite ng kanilang official entry.
Ang kompetisyon ay gagawin sa araw
mismo ng ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL sa July 18, 2015 ala 1:00 ng
hapon sa USM Gymnasium.
Dinagdagan naman ni Kabacan Mayor
Herlo Guzman Jr. ang Papremyo na matatanggap ng magwawagi ang dating P10,000
para sa 1st Prize ay P15,000 na, 2nd Prize na dati ay
P8,000 ngayon ay magiging P10,000 at P8,000 naman ang matatangap ng 3rd
Prize at dalawang consolation prizes.
Ang malilikom na halaga sa nasabing
aktibidad ay mapupunta sa mga bata buhat sa napiling barangay na mabibigyan ng
tulong.
Dahil dito, hinikayat ng himpilang
ito ang publiko na makiisa at manood sa naturang hiphop dance for a cause
bilang bahagi ng ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL na may temang “DXVL @
9: Lakas ng Radyo Kaagapay sa Serbisyo Publiko.
Taos puso naman ang pasasalamat ng
pamunuan ng Himpilang ito sa mga nag-sponsor at sumuporta sa naturang programa.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento