(Kidapawan City/ July 9, 2015) ---Nahaharap
ngayon sa kaso ang isang pulis buhat sa President Roxas PNP matapos na magwala
at tumangging magbayad sa isang establisyemento sa Kidapawan City.
Kinilala ni Cotabato Provincial
Police Office o CPPO spokesperson PCI Bernard Tayong ang nirereklamong pulis na
si PO1 Peter Maurice Daquipa na sinampahan ng kasong Estafa at Grave threats.
Dahil dito, nanganganib na masibak sa
serbisyo ang walang modung pulis oras na maibaba ng Police Regional Office 12
General Santos city ang relieve order laban kay Daquipa.
Ngayong araw, nakatakda namang
humarap sa korte si Daquipa habang patuloy na iniimbestigahan ang nasabing
kaso.
Napag-alaman pa sa report na gabi
noong July 6 nang ireklamo ng may ari ng isang establisiemento sa Kidapawan
City si Daquipa matapos mag inuman doon kasama ang ilang kaibigan.
Bumaba umano ito sa nasabing tindahan
at nang singilin na sa halip na magbayad ay tumanggi ito at sinubukan pang
bunutin ang kanyang baril kaya natakot ang mga trabahante at nagkagulo sa lugar.
Rhoderick Beñez
Anu napo balita sa kasong to?
TumugonBurahin