(Kidapawan city/ July 10, 2015) ---Nasa 44
na mga mag-aaral buhat sa Kidapawan City Pilot School ang pinaniniwalang
nalason matapos makakain ng Durian candy
kahapon umaga.
Ayon sa adviser ng mga mag-aaral ng grade 5
pupils nakaranas ng pananakit ng tiyan ang 44 na mga kabataan, pagkahilo at
pagsusuka habang ang 15 dito ay mabilis na isinugod sa City hospital.
Sa salaysay ng guro, meron umanong isang
lalaki ang pumasok sa kanyang room para magbenta ng nasabing candy.
Tinanggihan ito ng guro pero nang lumabas
ito sandali hindi niya namalayan na nakabili na pala ng candy ang kanyang mga
estudyante.
Ilang minuto lamang ay nagsimula ng sumakit
ang tiyan ng mga mag-aaral at ang isa dito ay nakaranas ng pagsusuka na may
kasama pa umanong dugo.
Bagaman ay mahigpit na ipinagbabawal ang
pagpasok ng mga vendor sa naturang eskwelahan, nation lang kasi kahapon na may
isinagawang aktibidad ang paaralan kaya nagkaroon ng tyansa na makapasok ang
nasabing vendor.
Maliban sa tatlong mga section nakabili rin
umano ng nasabing candy ang ilang mga grade 6 pupils.
Sa ngayon, plano ng paaralan na isailalim sa
laboratory testing ang mga naiwang durian candy para makumpirma kung ito ba ang
naging sanhi ng pagkalason ng mga mag-aaral.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento