Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Punong Barangay, Sundalo patay; 1 pa sugatan sa pagsabog ng granada sa Maguindanao

(Maguindanao/ July 11, 2015) ---Nasawi ang isang barangay chairman at isang sundalo habang sugatan ang isa pang Army captain matapos na pasabugan ng granada at paulanan ng bala ang sinasakyan ng mga ito habang binabaybay ang national highway ng Brgy. Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Captain Jo-an Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division (ID) bandang alas-11:35 ng umaga kahapon habang lulan ang mga biktima ng isang kulay asul na tainted na Toyota Revo patungong bayan ng Datu Saudi galing Datu Piang nang hagisan ng granada ang kanilang daraanan ng BIFF rebels at pinaputukan.

Kinilala ang mga nasawi ay sina Sajid Iman Bicul, chairman ng Brgy. Masigay, Datu Piang ng lalawigan at isang Sgt. Tamma.

Ginagamot na sa opsital ang isa pang sundalo na tinukoy sa apelyidong Captain Melendrez, Commanding Officer ng Army’s 22nd Mechanized Company ng 2nd Mechanized Battalion ng 1st Mechanized Brigade ng Philippine Army (PA).

Agad namang rumesponde ang tropa 21st Mechanized Company ng PA sa pamumuno ng isang Lt. Manquiquis  sa lugar at sinaklolohan ang mga biktima.

Malaki ang paniniwala ni Petinglay na rido o clan war ang motibo sa pa­nanambang kung saan target ang nasabing brgy. chairman at nadamay lamang ang mga sundalo.


Batay sa ulat ang grupo BIFF Isnag Hassan Indal at Abunawas Sawal, pawang mga division commander sa ilalim ni BIFM acting chairman Esmael Abubakar alyas Balungos at BIFF chief of staff Mohidin Animbang alyas Kagui Karialan ang tinukoy na responsable sa naturang insidente. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento