(Aleosan, North Cotabato/ July 10, 2015)
---Patuloy pa ngayong inaalam ng Integrated Provincial Health Office ng North
Cotabato ang kaso ng mga mag-aaral ng Dualing Central Elementary School sa
brgy. Dualing sa bayan ng Aleosan, North Cotabato na isinugod sa ospital matapos na manakit ang
tiyan, kahapon.
Ito ayon kay Dra. Eva Rabaya, ang IPHO Head
kungsaan inaalam na ng kanyang pamunuan ang report kung buhat sa kinaing Siopao
ang dahilan ng pananakit ng tiyan ng mga mag-aaral.
Sinabi sa DXVL News ngayong umaga ni Manuelito
Gallado, staff ng Disaster Management ng Aleosan LGU na abot sa 16 na mga grade
5 pupils ang naisugod sa ospital matapos na makaranas ng pananakit ng tiyan.
7 dito ay nakalabas na ng ospital.
Pinasisiyasat na rin ng Principal Joel
Calambro kung may kinalaman din sa kinaing siopao ng mga estudyante ang dahilan
ng pananakit ng tiyan ng mga ito.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento