Photo by: Benjie Caballero |
Ito matapos na ibinaba ng LGU ang
Cease and Desist Order o Temporary closure sa nabanggit na kumpanya niotng
Hulyo a-2.
Ito ayon kay Municipal Administrator Atty.
Mohajerin Balayman sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan.
Sinabi ng opisyal na kabilang sa mga
dahilan ng pagpapasara at pagpapahinto sa operasyon ng nasabing plantasyon ay
ang hindi pag-sunod ng kompanya sa prosesong legal na ipinapatupad ng LGU sa
nasabing bayan.
Isa na rito ay ang kwestiyonableng
business permit ng kompanya maliban pa sa hindi ito sumusunod sa tamang
pagbabayad ng buwis.
Napag-alaman pa na sa mahigit 800 mga
empleyado nito, 11 lamang sa kanilang tauhan ang mayroong work permit.
Sa executive order na nilagdaan ni
Datu Abdulah Sangki Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu matagal na panahon na
umano nilang hinahapan ng solusyon ang nasabing problema sa pamamagitan ng mga
pagpupulong kasama ang opisyales ng nasabing kompanya ngunit hanggang sa
kasalukuyan ay hindi pa rin ito nasosulusyunan.
Nakasaad din sa nasabing liham na
kung hindi kayang sumunod ng kompanyan sa prosesong legal at di nito kayang
irespeto ang taong namumuno, sana man lang irespeto nito ang gobyerno at ang
prosesong legal.
Dagdag pa ni Atty. Balayman na abot
na sa 500 ektarya ang natamnan ng kompanya ng mga punong saging.
Nabatid rin mula sa kanya na kapag
naisyuhan ang isang kompanya ng Temporary Cease and Desist Order o Temporary
Closing Order ay dapat walang movement o walang magaganap na serye ng
pagtatrabaho sa lugar.
Samantala, sa pinakahuling
pagpupulong ng LGU at Dilenanas ay nakapagkasunduan nilang iko-comply ng
nasabing kompanya ang mga hinihingi ng LGU.
Umaasa naman ang LGU na mareresolba
na ang nasabing problema upang makabalik na sa trabaho ang mga empleyadong
apektado ng nasabing problema.
Malaking tulong umano sa kanila ang
nasabing kompanya ngunit kailangan din umanong sumunod ito sa prosesong legal
na kanilang ipinatutupad. Rhoderick
Beñez/ Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento