(Kabacan, North Cotabato/ July 9, 2015) ---Patong-patong
na kaso ngayon ang kakaharapin ng suspek na responsable sa pagbaril patay sa
dating Kapitan ng Brgy. Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato.
Ito matapos na inilabas ni Regional Trial
Court RTC Branch 22 Presiding Judge Laureano Alzate ang Warrant of Arrest na
may criminal case number 15-89 ngayong araw laban sa suspek na si Abdulkadir
Pepican Salamat aka Tato Kamansali alyas Matitik, 42 anyos, may asawa, isang
magsasaka at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.
Si Mantitik ang itinuturong responsable sa
pagpatay kay Brgy. Chairman Eliazar Pilapil alas 12:00 ng tanghali noong Enero
a-5 ng kasalukuyang taon.
Sa panayam ng DXVL News kay PSI Ronnie
Batumapo Cordero, OIC ng Kabacan PNP nabatid na bago nailabas ang warrant of
arrest laban kay Matitik kanina ay una ng nahuli ang suspek dito sa bayan ng
Kabacan noong nakaraang Huwebes July 2 dahil sa pagdadala nito ng baril na
walang lisensiya.
Sinabi pa ni Cordero na sangkot din sa isang
krimen sa pagbaril sa Pagalungan, Maguindanao ang suspek.
Sa ngayon, nasa Kabacan PNP lock-up cell ang
suspek sahil sa kaso nitong illegal possession of firearms.
Naging malakas ang ebedensiya laban sa kanya
makaraang tumugma ang serial ng baril na ginamit ng suspek sa pagpatay sa
Kapitan ng Ugalingan sa bayan ng Carmen at ang nakuha sa kanya ng maaresto ditto
sa bayan ng Kabacan si Matitik. Rhoderick
Beñez & Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento