Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga paaralang apektado ng lindol sa Carmen, North Cotabato, patatayuan na ng bagong gusali

(Carmen, North Cotabato/ December 14, 2013) --- December Matagumpay na isinagawa ang bidding para sa proyektong gusali na itatayo sa mga pampublikong paaralan na apektado ng magnitude 5.7 na lindol sa Carmen, North Cotabato nitong Hunyo.

Ayon kay Cotabato Schools Division Assistant Superintendent Romelito Flores sisimulan na sa susunod na taon ang pagtatayo ng nasabing mga gusali.

(Update) Barangay Poblacion, may nakalaang budget para pambayad sa Cotelco, paglobo ng utang, ipinaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2013) ---Noon pa umanong mga nakalipas na administrasyon sa barangay ng Poblacion Kabacan ay may malaking balanse na sa utang ang Barangay sa Cotelco.

Ito ayon kay dating Kapitan at ngayon ay Poblacion Kagawad Edna “Nanay” Macaya, aniya naglabas sila ng budget para pambayad sa street lights na P600,000.00 pero ang bill ng kuryente abot sa higit P750,000.00.

Barangay Defense System, pinalalakas ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013) ---Muling inorganisa ng Kabacan PNP sa ilang mga barangay sa bayan ang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP layon nito na palakasin pa ang defense system sa mga barangay at preventive measures laban sa mga crime activities sa mga malalayong barangay ng Kabacan.

4 na mga Sitios sa Kabacan, maiilawan sa ilalaim ng SEP

(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013) ---Apat na mga Sitios sa bayan ng Kabacan ang ngayon ay benepisyaryo ng Sitios Electrification Program ng Department of Energy o DOE.           
                                                       
Ito ang sinabi ni COTELCO Spokesperson Vincent Baguio kabilang na dito ang Sitio Lagundungan sa Magatos; Purok Tagumpay ng Pisan; Sitio Kibales ng Kayaga at Purok Magalao ng Magatos.       

Paglilipat ng NABCOR sa pangangalaga ng LGU-Kabacan, isinusulong ng isang konsehal

(Kabacan, North Cotabato/ December 12, 2013) ---Naghain ngayon ng isang resolusyon sa Sanggunian si Kagawad Jonathan Tabara, may hawak ng committee on agriculture hinggil sa paglilipat ng NABCOR sa pangangalaga ng LGU.        
                                                                            
Ang resolution No. 2013-222 ay humihiling kay DA Secretary Proceso Alcala sa pamamagitan ni Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan na i-turn-over sa LGU Kabacan ang operation at maintenance ng NABCOR-Kabacan.

Ito dahil sa napipintong pag-abolish o pagtanggal ng Pamahalaang Nasyunal dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya.

Tax Amnesty Program, patuloy na ipinapatupad ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 12, 2013) ---Patuloy ngayon ang panawagan ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa mga di pa nakakabayad ng kanilang Real Property Tax na mag-avail ng tax amnesty program sa mga may penalidad o tax delinquent.

Ayon kay Municipal Assessor Magdiolena Esteban na ang nasabing programa ay hanggang sa December 31, 2013 na lamang.

Mga Street Lights ng Poblacion, Kabacan, pinutulan na ng Serbisyo; P700K na utang ng Barangay Poblacion sa Cotelco, di pa rin nabayaran

(Kabacan, North Cotabato/ December 12, 2013) ---Posibleng magdidilim ang ilang mga pangunahing lansangan at kalye ng Poblacion, Kabacan matapos na putulan na ng Cotelco ang serbisyo ng street lights.

Ito matapos na bigong maka-bayad ang Barangay Poblacion ng kanilang obligasyon sa cotelco na umaabot na sa P700,000.00 ang utang ng nakaraang administrasyon ng Barangay sa kooperatiba.

2 sugatan sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 11, 2013) ---Sugatan ang dalawa katao makaraang pagbabarilin sa Brgy. Malanduague, Kabacan, Cotabato alas 9:48 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Roel Roy Corpuz, 23, binate at residente ng Brgy. Aringay at Jaymar Olinares, 24, may-asawa at residente ng brgy. Osias ng bayang ito.

Grupo ng mga magsasaka nakiisa sa blood letting sa Pigcawayan, North Cotabato

Written By: Roderick Rivera Bautista

(Pigcawayan, North Cotabato/ December 9, 2013) ---Mismong ang mga magsasakang kasapi ng Buluan Irrigators’ Association sa Pigcawayan, North Cotabato ang dumalo at boluntaryong nag-donate ng kanilang mga dugo sa isinagawang blood letting activity ngayong araw sa Barangay Buluan.

Abot sa labing-siyam na bags of blood ang nakolekta mula sa mga donors.

Suspek sa pamamaril, tiklo

(Arakan, North Cotabato/ December 9, 2013) ---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Arakan PNP at mga Barangay officials ang isang magsasakang suspek sa pamamaril sa Sitio Katindu, Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato.

Kinilala ang suspek na si Jay Boy Tuando.

Ayon sa report, nagka-alitan ang suspek at ang biktimang si Morales Ansado,40-anyos na residente ng lugar na nauwi sa pagbaril ng suspek sa biktima.

Serye ng dayalogo idadaos kaugnay ng 2014 FMR development projects sa PPALMA

Written By: Roderick Rivera Bautista


Matapos aprubahan ang abot sa 100 milyong pisong halaga ng Farm-to-Market Road o FMR development projects sa unang distrito ng North Cotabato ay magsasagawa ng serye ng dayalogo kaugnay nito.

Pangungunahan ito ng tanggapan ni Cong. Jesus Sacdalan kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second Engineering District Office at mga lokal na pamahalaan sa PPALMA.

Mga kasuotang gawa ng local designers sa Cotabato City tampok sa ND Fest 2013

Written by: Roderick Bautista

Punong-puno ang Notre Dame University o NDU gymnasium sa Cotabato City nang ganapin ang Search for Mister and Miss ND Fest 2013 nitong Biyernes ng gabi, a-6 ng Disyembre.

Isa sa mga naging highlight ng pageant night ay ang pagsusuot ng mga kalahok ng iba’t- ibang kasuotan na ginawa ng local designers ng lungsod.

Tampok sa nasabing patimpalak ang makukulay at naggagandahang continental attire, casual wear at formal wear.

Gov. Lala, suportado ang pagkakalagda sa power sharing

(Amas, Kidapawan City/ December 9, 2013) --- Isang welcome development ang pagkaka-lagda ng power sharing ng framework agreement on the Bangsamoro kahapon bilang maagang regalo sa mga taga-Mindanao.

Ito ang naging pahayag ni Cot. Gov. Lala Mendoza matapos na mapagtibay ang "power sharing" deal.

Kungsaan, umaasa ang gobernador na mapaplansta at malalagdaan na rin sa lalong madaling panahon ang natitira pang "annexes" sa binabalangkas na Bangsamoro Framework Agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng GPH.