Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Serye ng dayalogo idadaos kaugnay ng 2014 FMR development projects sa PPALMA

Written By: Roderick Rivera Bautista


Matapos aprubahan ang abot sa 100 milyong pisong halaga ng Farm-to-Market Road o FMR development projects sa unang distrito ng North Cotabato ay magsasagawa ng serye ng dayalogo kaugnay nito.

Pangungunahan ito ng tanggapan ni Cong. Jesus Sacdalan kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o DPWH Cotabato Second Engineering District Office at mga lokal na pamahalaan sa PPALMA.


Gaganapapin ang serye ng dayalogo mula December a- 6 hanggang a- 17. Idadaos ito sa iba’t- ibang barangay na magiging benepisyaryo ng proyekto.

Ngayong araw ay sinimulan sa Arizona barangay hall ang unang bahagi ng pakikipag-usap sa mga kasapi ng barangay councils ng Arizona, Midsayap at Barangay Cawilihan Aleosan upang talakayin ang nakatakdang implementasyon ng FMR sa lugar.

Ayon kay First Congressional District Office Focal Person for Infrastructure Engr. Jerry Pieldad, ang FMR projects na ito ay iminungkahi ni Cong. Sacdalan at inaprubahan  ng Department of Agriculture o DA Region 12 sa pamumuno ni Regional Director Amalia Jayag- Datukan.

Nabatid na may sampung FMR projects na ipatutupad sa Distrito Uno para sa taong 2014.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento