(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013) ---Muling
inorganisa ng Kabacan PNP sa ilang mga barangay sa bayan ang Barangay Peace
Keeping Action Team o BPAT.
Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP
layon nito na palakasin pa ang defense system sa mga barangay at preventive
measures laban sa mga crime activities sa mga malalayong barangay ng Kabacan.
Kabaling sa mga barangay na inac-tivate ang BPAT ay ang
Barangay ng Aringay, Malanduage, Bannawag, Pisan at Lower Malamote.
Ito ang mga lugar na bahagi ng entrapment operations ng
pulisya para sa choke point sa labas ng Poblacion.
Ito para masawata kung di man tuluyang matuldukan ang
nangyayaring kriminalidad sa bayan kagaya ng nakawan ng motorsiklo, carnapping,
robbery, illegal drugs, illegal logging at iba pa.
Katuwang ng Kabacan MPS ang LGU Kabacan sa pamumuno ni
Mayor Herlo Guzman, Jr., militar at ang mga barangay opisyal sa tulong naman ng
kooperasyon ng mamamayan.
Samantala sinabi ni Maribojo na abot naman sa 50 piraso
ng mga open pipe mufflers ang nakumpiska ng Kabacan PNP na karamihan ay
lumalabag sa batas trapiko at paggamit ng open pipes na motorsiklo.
Aasahan namang isasapubliko ang pagsira sa
mga nakumpiskang open pipes, anumang araw simula ngayon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento