Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 sugatan sa pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ December 11, 2013) ---Sugatan ang dalawa katao makaraang pagbabarilin sa Brgy. Malanduague, Kabacan, Cotabato alas 9:48 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Roel Roy Corpuz, 23, binate at residente ng Brgy. Aringay at Jaymar Olinares, 24, may-asawa at residente ng brgy. Osias ng bayang ito.

Lulan ng motorsiklo ang dalawa habang papunta ng brgy. Bannawag ng mangyari ang pamamaril.
Agad namang dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Sa kabilang dako, narekober naman ng mga pulisya sa pinangyarihan ng insedente ang isang bala ng caliber 7.62mm.

Nagpapatuloy pa ngayon ang masusing pagsisiyasat ng Kabacan PNP para alamin ang totoong motibo sa nasabing pamamaril.

Samantala sa Arakan, North Cotabato naman ---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Arakan PNP at mga Barangay officials ang isang magsasakang suspek sa pamamaril sa Sitio Katindu, Barangay Malibatuan sa nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si Jay Boy Tuando.

Ayon sa report, nagka-alitan ang suspek at ang biktimang si Morales Ansado,40-anyos na residente ng lugar na nauwi sa pagbaril ng suspek sa biktima.

Nagtamo ng sugat sa kanang binti ang biktima na agad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Kasalukuyang nakapiit sa Arakan PNP lock-up cell ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento