(Kabacan, North
Cotabato/ December 12, 2013) ---Posibleng magdidilim ang ilang mga pangunahing
lansangan at kalye ng Poblacion, Kabacan matapos na putulan na ng Cotelco ang
serbisyo ng street lights.
Ito matapos na bigong
maka-bayad ang Barangay Poblacion ng kanilang obligasyon sa cotelco na umaabot
na sa P700,000.00 ang utang ng nakaraang administrasyon ng Barangay sa
kooperatiba.
Sinabi ni Director
Samuel Dapon ng Cotelco na ilang beses na ring nag-promissory note ang Barangay
Poblacion noon at ang pinakahuli ay noong November 29 na naglagda ng Memorandum
of Agreement si dating Kapitan Edna “Nanay” Macaya sa pagitan ng Cotelco.
Noon pa umanong buwan ng
Pebrero hanggang sa kasalukuyan ang utang na di nabayaran ng Barangay Poblacion
kaya lumubo na ng halos P700,000 ang nasabing bayarin.
Nang tanungin ng bagong
upong Kapitan ng Poblacion na si Punong Barangay Mike Remulta ang dating
administrasyon at ang taga-ingat yaman walang maipaliwanag ang mga ito kungsaan
napunta ang budget para sa street lights. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento