Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, pinagtataga hanggang sa mapatay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 30, 2013) ---Malapit ng mapugutan ng ulo ang isang magsasaka dahil sa pananaga sa kanya ng di pa matukoy na suspek sa brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Marcelo Mutoc, 67, magsasaka, residente ng Barangay Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

3 sundalo sugatan sa pagsambulat ng IED sa Midsayap, north Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/August 30, 2013) ---Malubhang nasugatan ang tatlong sundalo makaraang masabugan ng Improvised Explosive Device o IED sa Brgy. Nabalawag, Kidapawan city alas 7:15 kaninang umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina S/Sgt Rodolfo Ubugan, Sgt Remond Sapun at Sgt Errick Naranjo, pawang nakatalaga sa Delta Battery ng 7th Field Artillery Battalion ng Philippine Army.

Chair ng NUJP Cotabato humakot ng 2 awards sa Red Cross Humanitarian Reporting Awards

(Kidapawan city/August 29, 2013) ---WAGI sa katatapos lamang na RED CROSS HUMANITARIAN REPORTING AWARDS ngayong taon si Malu Cadelina Manar, ang chairman ng National Union of Journalists of the Philippines o NUJP Cotabato chapter.
   
Si Manar ang host ng BIDA SPECIALS na isang radio documentary program ng Notre Dame Broadcasting Corporation o NDBC -- isa sa pinakamalaking radio network sa buong Central Mindanao.  

Malinis na tubig maiinom o Salintubig program, isinusulong ng Sanggunian sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 28, 2013) ---Naisalang na sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ang panukalang pagbibigay ng malinis na tubig maiinom sa mga mamamayan bilang bahagi ng Millennium Development Goal MDG no. 7.

Batay sa nasabing panukala, iimplementa ng Pamahalaang lokal ang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng programang “Sagana at Ligtas na tubig sa Lahat Program o SALINTUBIG”.

Lumba sa Pulangi, gagawin ngayong araw sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 28, 2013) ---Isasagawa ngayong araw ang Lumba sa Pulangi, isa sa mga aktibidad ng Kalivungan festival at 99th founding anniversary ng North Cotabato.

Gagawin ang 4th Gov. Lala Taliño Mendoza Banca Race sa Ugalingan bridge sa bayan ng Carmen.

Milyong halaga ng mga kagamitan, natupok ng apoy

(Cotabato City/ August 28, 2013) ---Tinatayang abot sa humigit kumulang sa P5M ang halaga ng kagamitang ang natupok ng apoy matapos masunog ang stock room ng Department of Health o DOH-ARMM sa Cotabato City kahapon ng umaga.
         
Ayon kay DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr., kabilang sa mga natupok ng apoy ay mga hospital equipment at mga gamot na hindi na magagamit matapos masira dahil sa sunog.

Bus vs van: 4 todas

(Davao city/ August 27, 2013) ---Apat-katao ang iniulat na namatay makaraang suwagin ng pampasaherong bus ang kasalubong nitong van sa kahabaan ng Davao-Agusan Highway, KM26 sa Barangay Lasang, Davao City, Davao del Sur kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga namatay ay driver ng Toyota Liteace van (PLT 632) na si Anacleto Pedrosa Jr., 72, Dating professor sa University of Southern Mindanao sa Kabacan; habang Idineklarang patay sa Rivera Hospital sa Panabo City ay sina Meriam Flores, Maribeth Datoon at si Ana Marie Pedrosa, 7, pawang nakatira sa San Juan Subd., Davao City.

Van vs. Pick-up: 2 dedo, 11 sugatan

(Polomolok, South Cotabato/ August 27, 2013) ---Hindi nakaligtas sa karit ni kamatayan ang dalawa katao matapos mapatay habang 11 naman sugatan makaraang masangkot sa vehicular accident sa Purok Matulungin, Magsaysay, Polomolok, South Cotabato kaninang umaga.

Sa ulat ng Polomolok PNP sangkot sa nasabing insedente ang depampasaherong van at pick-up.

Lalaking may deperensya sa pag-isip, nag-bigti

(Tampakan, South Cotabato/ August 27, 2013) ---Maagang sinalubong ni Kamatayan ang 40-anyos na lalaki matapos na magbigti sa kanilang bahay sa Purok Mabini, Brgy. Kipalbig, South Cotabato kanina.

Kinilala ang biktima na si Amay Dolojo, residente ng ng nabanggit na lugar.

Backpacks bawal din sa Kidapawan City

(Kidapawan City, North Cotabato/ August 27, 2013) ---Ipinagbabawal ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagdadala ng backpacks sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

Ayon sa Cotabato provincial government, ipinahayag ni Mendoza na ang pag-ban ng backpacks sa loob ng Provincial Capitol Compound ay nagsimula na kahapon kasabay ng isang linggong selebrasyon ng Kalivungan Festival 2013 at 99th founding Anniversary ng probinsiya.

Konsehal ng Sultan Kudarat, pinagbabaril

(Isulan, Sultan Kudarat/ August 27, 2013) ---Pinagbabaril ng mga riding in tandem assassins ang isang Municipal councilor ng bayan ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Maswerte namang di napuruhan ang biktimang na kilalang si Councilor Rene Aristosa kungsaan papasok na sana ito sa gate ng kanilang bahay matapos mag-jogging mula sa Plaza ng mangyari ang insedente.

Seguridad sa Kalivungan Festival, hinigpitan na!

(Kidapawan City/ August 27, 2013) --- Kasabay ng pagsisimula ng Kalivungan Festival ay hinigpitan na rin ngayon ang seguridad sa paligid ng Amas Provincial ground, Amas, Kidapawan City.

Ito makaraang nakipagpulong si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa mga mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council ng probinsiya nitong Biyernes.

Mga students writer ng North Cotabato, magtitipun-tipon para sa isang pagsasanay

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2013) ---Isasagawa sa susunod na buwan ang ‘Kandilimudan’, isang Maguindanaoan term na ang ibig sabihin ay isang pagtitipon ng mga kabataang manunulat mula sa probinsiya ng North Cotabato.

Ayon kay North Cotabato College Editors’ Guild of the Philippines chair Allan Biwang, Jr.  editor-in-chief ng Scintilla, publication ng College of arts and Sciences ng University of Southern Mindanao ang nasabing pagtitipon ng mga manunulat ay isasailalim ang mga ito sa isang training para maging ‘catalysts of change’.

Kasapi ng ‘kamal’ na taga-Kabacan, pinagbabaril

(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2013) ---Pinag-babaril ng riding in tandem assassins ang isang kasapi ng 'kamal' na taga-Kabacan sa hangganan ng bayan ng Pikit, North cotabato at Pagalungan, Maguindanao kaninang madaling araw.

Sa impormasyong nakuha ng DXVL News sa isang pinagkakatiwalaang source sakay umano ang biktima na kinilalang si Datu Saidona Aliman Sr., nasa tamang edad, security ng University of Southern Mindanao sa kanyang kulay pulang Mitsubishi pick-up ng barilin ng mga suspek.

Mga Progresibong grupo sa North Cotabato, maglulunsad din ng kilos protesta hinggil sa pagbuwag ng “Pork Barrel”

(Kidapawan City/ August 26, 2013) ---Magsasagawa rin ngayong araw ang  mga progresibong grupo at iba pang civil society organizations sa North Cotabato bilang pakikiisa sa gagawing malawakang kilos protesta hinggil sa pagbuwan ng ‘Pork Barrel’.

Ayon kay Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato (ASLPC) head Norma Capuyan kanilang iginigiit sa kongreso ang pagpasa ng batas na bubuwag sa pork barrel, na siya’ng naging pinagmulan ng korupsiyon sa gobyerno.

Panibagong Tulak droga, huli ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng 37-anyos na tulak droga makaraang mahuli ng pinagsanib na pwersa ng elemento ng Kabacan PNP at Philippine Drug Enforcement Agency PDEA 12 sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 4:30 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jonathan Zamora Buenaflor, residente Hagonoy, Davao del sur.

Kabacan Airsoft, kampoen sa Kadayawan Airsoft tournament

(Davao City/ August 26, 2013) ---Iniuwi ng koponan ng Kabacan Airsoft team ang kampeonato sa katatapos na Kadayawan Airsoft Tournament na isinagawa sa APDSTACT Fort Ardevaas, Davao city kahapon ng hapon.

Bukod sa nasabing award ginawaran din ang KAST o team Kabacan ng Minor award na Best in Tactics.

Market-Market sa Kapitolyo, tampok sa pagbubukas ng Kalivungan Festival 2013

(Amas, Kidapawan City, August 26, 2013) ---Pormal ng magbubukas ngayong araw ang Kalivungan Festival 2013 at ang 99th Founding Anniversary ng North Cotabato.

Kaugnay nito, magsisimula na rin ngayong araw ang Market-Market sa Kapitolyo na gagawin alas 10:00 ngayong umaga sa Pavilion Complex, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.

PDAF ginamit sa ilang flood control projects sa Unang Distrito ng North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ August 26, 2013) ---Mula taong 2010 hanggang 2013 ay binigyang atensyon ng pamunuan ng Unang Distrito ng North Cotabato ang mga proyektong panangga sa baha.

Batay sa pahayag ng nasabing tanggapan, abot sa kabuuang P27.55 Milyon na mula sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ang halaga ng pondong nagamit sa pagpapatupad ng flood control projects sa distrito uno ng lalawigan.

5 taon simula ngayon, lulubog ang Poblacion, Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2013) ---Kung hindi maaagapan ang pagguho ng lupa posibleng lulubog ang Poblacion ng Kabacan, limang taon simula ngayon.

Ito ayon kay Councilor Jonathan Tabara, ang may hawak ng committee on agriculture sa Sanggunian batay naman sa serye ng pagsasaliksik na ginawa ng mga eksperto mula sa Liguasan Marsh.