(Midsayap,
North Cotabato/ August 26, 2013) ---Mula taong 2010 hanggang 2013 ay binigyang atensyon
ng pamunuan ng Unang Distrito ng North Cotabato ang mga proyektong panangga sa
baha.
Batay
sa pahayag ng nasabing tanggapan, abot sa kabuuang P27.55 Milyon na mula sa
Priority Development Assistance Fund o PDAF ang halaga ng pondong nagamit sa pagpapatupad
ng flood control projects sa distrito uno ng lalawigan.
Sakop
ng flood control projects na ginawa ang pagsasaayos ng pangunahing daluyan ng
tubig sa mga bayan. Maliban dito ay bahagi din ng proyeto ang rehabilitasyon ng
mga irigasyon.
Una nang inihayag ni Rep. Jesus Sacdalan na
binigyang atensyon nito ang flood control projects ayon na rin sa kagustuhan ng
mga mamamayan alinsunod sa gabay kung paano dapat gamitin ang PDAF.
Aniya, layunin umano ng mga proyektong ito na
maprotektahan sa anumang pagkakasira ang ari-arian ng mga mamamayan lalu na ang
lupang sinasaka ng mga magsasaka sa lugar.
Ipinatupad ng Department of Public of Works
and Highways Cotabato Second District Engineering Office at National Irrigation
Administration XII ang mga flood control projects sa distrito uno.
Ipinanukala na rin ng kongresista na ituloy
ang pangalawang bahagi ng Libungan River Flood Control Project.
Matatandaang nakumpleto ang first phase ng
nasabing proyekto nitong Hulyo lamang. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento