(Cotabato City/ August
28, 2013) ---Tinatayang abot sa humigit kumulang sa P5M ang halaga ng
kagamitang ang natupok ng apoy matapos masunog ang stock room ng Department of
Health o DOH-ARMM sa Cotabato City kahapon ng umaga.
Ayon kay DOH-ARMM
Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr., kabilang sa mga natupok ng apoy ay mga
hospital equipment at mga gamot na hindi na magagamit matapos masira dahil sa
sunog.
Naabu rin maging
ang bakuna para sa dengue at malaria, mosquito nets, hospital beds, talaan
ng Philhealth beneficiaries at iba pang mahahalagang dokumento.
Ayon sa opisyal,
naagapan naman ang sana’y pagkakasunog sa ikalawang palapag ng gusali kungsaan
nakatago ang iba pang hospital equipment na ipamimigay sa mga district
hospital, Rural Health Units at Health centers.
Tumagal din ng halos
isang oras bago naapula ang apoy na nagsimula alas 10:00 ng umaga kahapon at
pasado ala 1:00 na ng ideklarang fire out ng Cotabato city Fire Marshall na
pinamumunuan ni City Fire Marshall Adam Guiamad. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento