(Kidapawan
City/ August 27, 2013) --- Kasabay ng pagsisimula ng Kalivungan Festival ay
hinigpitan na rin ngayon ang seguridad sa paligid ng Amas Provincial ground,
Amas, Kidapawan City.
Ito
makaraang nakipagpulong si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa mga
mga kasapi ng Provincial Peace and Order Council ng probinsiya nitong Biyernes.
Maliban sa
pagbibigay update sa kalagayanng Peace and order ng probinsiya ay inilatag din
ang security measures hinggil sa selebrasyon ng 99th founding
Anniversary ng probinsiya at Kalivungan Festival 2013.
Dumalo din
sa nasabing talakayan ang ilang mga board members na kinabibilangan nina 3rd
district Maybelle Valdivieso, Bai Dulia Sultan at Kelly Antao kasama ang
pamunuan ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO) at ng Army’s 602nd
at 1002nd Brigades para sa Kalivungan.
Ang isang
linggong pagdiriwang ng kalivungan festival ay pormal ng nagsimula kahapon.
Una dito,
isinagawa naman ang ilang mga aktibidad ng kalivungan kungsaan sinimulan ito ng
isang Rubber forum sa USM-Agricultural
Research Center dito sa bayan ng Kabacan noong August 19 at ang tatlong araw na
Special recruitment Activity noong August 20-22 sa provincial gymnasium.
Inaasahan
umanong abot sa mahigit 25,000 katao ang magtipontipon sa gagawing highlight ng
selebrasyon para saksihan ang founding anniversary program ng Kalivungan
Festival at 99th founding Anniversary ng lalawigan. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento