Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Backpacks bawal din sa Kidapawan City

(Kidapawan City, North Cotabato/ August 27, 2013) ---Ipinagbabawal ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagdadala ng backpacks sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

Ayon sa Cotabato provincial government, ipinahayag ni Mendoza na ang pag-ban ng backpacks sa loob ng Provincial Capitol Compound ay nagsimula na kahapon kasabay ng isang linggong selebrasyon ng Kalivungan Festival 2013 at 99th founding Anniversary ng probinsiya.


Pinaniniwalaan na gumagamit ng backpack ang mga masasamang grupo sa paglunsad ng mga pamomomba sa bahaging ito ng Mindanao.

Magugunita na una nang ipinagbawal sa Davao City ang pagdala ng backpacks kasabay ng kanilang selebrasyon sa Kadayawan 2013.

Sa ngayon, may mga pagbabanta pa rin sa ilang lugar sa Mindanao matapos ang serye ng pamomomba noong mga nakalipas na linggo.

Kaugnay nito, nagpalabas ng travel advisory ang Australia sa kanilang mga residente sa Central at Western Mindanao kabilang na ang Zamboanga Peninsula at Sulu matapos lumabas ang ulat na planong maglunsad ng pang-aatake ang mga teroristang grupo. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento