Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Market-Market sa Kapitolyo, tampok sa pagbubukas ng Kalivungan Festival 2013

(Amas, Kidapawan City, August 26, 2013) ---Pormal ng magbubukas ngayong araw ang Kalivungan Festival 2013 at ang 99th Founding Anniversary ng North Cotabato.

Kaugnay nito, magsisimula na rin ngayong araw ang Market-Market sa Kapitolyo na gagawin alas 10:00 ngayong umaga sa Pavilion Complex, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City.

Magiging guest speakers sa nasabing okasyon sina Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan ng DA RFO 12 at si Brigadier General Cesar Dionisio P. Sedillo, ito ayon sa report ni OPAG News Correspondent Ruel Villanueva.

Magkakaroon nang ribbon-cutting ceremony na pangungunahan nina Director Datukan at Brigadier General Sedillo kasama sina Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, Vice-Gov. Gregorio T. Ipong at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato upang saksihan ang mga exhibits sa Market-Market na kinabibilangan ng mga booth display na naglalaman ng One Town One Product (OTOP) ng ibat-ibang mga munisipyo sa lalawigan at ang small and medium enterprise display.

Ang Market-Market sa Kapitolyo ay isang mahalagang highlight ng Kalivungan 2013 na kung saan nakafeature dito ang mga produktong pang-agrikulrura ng bawat bayan sa lalawigan. 

Tampok sa isang linggong Market-Market ang mga sumusunod: LGU Booth display and contest, SME exhibits, Garden show, Coop exhibit, Vegetable cooking contest, Agri-entrepreneurs day, 4H Club Day, Rural Improvement Club day, Farmer and Fisherfolk Day, Sugba-sugba, Launching of Organic Agriculture ordinance, at ang Agricultural Extension Workers day.

Hanggang Setyembre a-1 ang nasabing Market-market sa Kapitolyo kungsaan igagawad sa araw na iyon ang iba’t-ibang mga parangal.

Ang aktibidad ay pinangungunahan ng Office of the Provincial Agriculturist ng North Cotabato katuwang ang Office of the Provincial Veterinarian, Provincial Cooperative Development Office.

Ang tema Kalivungan ngayong taon ay “Cotabato at 99: Nagkakaisang lakas tungo sa matatag na bukas.” (Rhoderick Beñez with reports from Ruel Villanueva)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento