(Midsayap,
North Cotabato/August 30, 2013) ---Malubhang nasugatan ang tatlong sundalo
makaraang masabugan ng Improvised Explosive Device o IED sa Brgy. Nabalawag,
Kidapawan city alas 7:15 kaninang umaga.
Nakilala
ang mga biktima na sina S/Sgt Rodolfo Ubugan, Sgt Remond Sapun at Sgt Errick
Naranjo, pawang nakatalaga sa Delta Battery ng 7th Field Artillery Battalion ng
Philippine Army.
Ayon
kay 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Col. Dickson Hermoso, maliligo
na sana ang mga sundalo sa isang balon malapit sa detachment ng Charlie Company
ng 40th Infantry Battalion Philippine Army nang biglang sumabog ang isang
improvised explosive device (IED) na gawa sa bala ng 60mm mortar, 9 volts
battery at cellphone bilang triggering mechanism.
Agad
namang isinugod ang mga sundalo ng kanilang mga kasamahan sa Amado Diaz
Foundation Hospital sa bayan ng Midsayap ngunit inilipat din sa Camp Siongco Hospital
sa headquarters ng 6th ID Phil. Army sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Malaki
ang paniniwala ng militar na posibleng kagagawan ito ng mga miyembro ng
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Samantala,
Isa ring bomba ang pinasabog sa tahanan ng isang brgy chairperson sa cotabato
city na ikinasira ng ilang sasakyan matapos masabugan ng di pa matukoy na
eksplosibo ang bahay nito na nasa Malagapas, Rosary Heights 10, Cotabato City
pasado alas 2:00 kanina ng medaling araw.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sa tabi lang ng bahay ni RH 10 Barangay Chairperson Anwar Lucas sumabog ang di pa matukoy na uri ng bomba.
Narekober sa lugar ang ilang bahagi ng pinaniniwalaang granada.
Wala namang nasaktan sa nasabing pagsabog.
Gayunpaman, nabasag ang jealousy window sa bahay ni Lucas at napinsala rin ang dalawang multicab na nakaparada malapit sa blast site. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento