(Kidapawan City/ August 26, 2013) ---Magsasagawa
rin ngayong araw ang mga progresibong
grupo at iba pang civil society organizations sa North Cotabato bilang
pakikiisa sa gagawing malawakang kilos protesta hinggil sa pagbuwan ng ‘Pork
Barrel’.
Ayon kay Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato (ASLPC) head Norma Capuyan
kanilang iginigiit sa kongreso ang pagpasa ng batas na bubuwag sa pork barrel,
na siya’ng naging pinagmulan ng korupsiyon sa gobyerno.
Kasama ang ilan pang mga progresibong indibidwal sa North Cotabato
mamartsa ang mga ito sa mga pangunahing kalye ng Kidapawan City para kalampagin
ang gobyerno na tuluyan ng tanggalin ang pork barrel sa mga senador at
konggresista.
Samantala ang “Million People March” ay
gagawin ngayong umaga sa Luneta Park sa Maynila kungsaan makikiisa rin ang mga
kabataan na pangungunahan ng FOI Youth Initiative.
Kaugnay nito, sa ipinatawag
na pulong pambalitaan ni Pangulong Aquino, sinabi nitong panahon na rin upang
buwagin ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag
na pork barrel ng mga mambabatas.
Sa halip ay bubuo ng
bagong mekanismo ang Senado at Kamara upang matugunan ang pangangailangan ng
mamamayan sa paraang tapat na paggamit ng pondo ng bayan at hindi masasayang.
Tiwala ang Pangulo na magagampanan
ng inter-agency coordinating council na binubuo ng COA, DOJ at Ombudsman ang
pag-iimbestiga sa P10-B pork barrel fund scam na utak umano si Janet
Lim-Napoles.
Nagulat siya sa
ibinunyag ng COA Special Audit report sa paggamit ng PDAF noong 2007-2009.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento