(Davao City/ August 26, 2013) ---Iniuwi ng
koponan ng Kabacan Airsoft team ang kampeonato sa katatapos na Kadayawan
Airsoft Tournament na isinagawa sa APDSTACT Fort Ardevaas, Davao city kahapon
ng hapon.
Bukod sa nasabing award ginawaran din ang
KAST o team Kabacan ng Minor award na Best in Tactics.
Sampung teams ang nag-laban laban sa
nasabing Airsoft tournament kungsaan nakuha naman ng Kidapawan Airsoft Team ang
1st Runner Up at best in Sportmanship.
2nd runner up naman ang pangkat
Davao Centurion Team.
3rd runner up naman ang grupo ng
Gensan Black Water.
Nakatanggap naman ng consolation prized ang
mga lumahok na team kagaya ng: Sta. Cruz Socom, Davao NPA team, Digos Team PN
Airsoft Team.
Ayon sa report ang nasabing aktibidad na
bahagi ng Kadapawan Festival ng Davao ay kahapon lamang isinagawa makaraang
ipinatupad ang gun ban at pagbabawal ng pack bag noong kasagsagan ng
kapiestahan hinggil sa Araw ng Davao. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento