(Tampakan, South
Cotabato/ August 27, 2013) ---Maagang sinalubong ni Kamatayan ang 40-anyos na
lalaki matapos na magbigti sa kanilang bahay sa Purok Mabini, Brgy. Kipalbig,
South Cotabato kanina.
Kinilala ang biktima na
si Amay Dolojo, residente ng ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ng
Tampakan PNP, tinalian ni Dolojo ang kanyang leeg gamit ang lubid at biglang
lumuhod upang humigpit ang pagkakatali nito hanggang sa ito ay binawian ng
buhay.
Patay na ng matagpuan sa
loob ng kwarto nito ang biktima ngkanyang mga pamilya.
Sa salaysay ng pamilya
ni Dolojo, may deperensiya sa pag--iisip ang biktima na posibleng dahilan ng
pagbigti nito.
Sa ngayon nasa isang
punerarya sa bayan ng Tampakan ang bangkay ng biktima. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento