Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 estudyante ng USM, pasok sa DA Biotechnology scholars

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2015) ---Limang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao ang nakapasok sa Department of Agriculture Biotechnology Scholarship.

Ayon kay Dr. Emma K. Sales program Coordinator ng nasabing scholarship kabilang sa mga nakapasok dito ay ang mga sumusunod: Alvin John Quitel isang 4th year BS agriculture Plant Breed and Genetics major, Monalyn Marimpoong 3rd year BSA PBG major, Noralyn Sumpangan 1st year BS Bio, Halima Aliudin 1st year BS Bio at si Patrick Suarez 1st year BS Chemistry.

Suspected Bomber sa North Cot at 4 na kasama, natiklo!

(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang suspected bomber na sinasabing responsable diumano sa pagpatay sa dating bise Alkalde ng bayan ng Kabacan sa inilatag na ‘One time Big time ng mga kapulisan at militar sa iba’t-ibang mga lugar sa bayan ng Kabacan kaninang madaling araw.


Kinilala ni P/SSupt. Alexander Tagum ang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office ang suspek na si Omar Sultan alias ‘Menu’ Derby Gani Manok, 35, may asawa at residente ng Brgy. Lower Paatan, Kabacan, North Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News, nakuha mula sa bahay ng suspek ang 5mm na baril, kalibre .45 na pistola, 1 granada at tatlong mga carnapped na motosiklo at mga folded foil.

Nahuli din kasama ng suspek ang apat na mga kasamahan nito na kinilalang sina: Monger Kusain, 25-anyos, kasapi ng BPAT sa Pagalungan, Maguindanao; Rahib Pilas Inggam, 22-anyos residente ng brgy. Kayaga; Abu Hajitaib, 34-anyos, residente ng Balong, Pikit at isa pa na di pa nakilala.

Posible umanong suspek si Alias Derby Gani ng mga panghahagis ng granada at pamomomba sa bayan ng Kabacan at iba pang lugar sa lalawigan.

Narekober din sa bahay ni Gani ang isang kalibre .45 na pistola, 9mm pistol na pagmamay-ari ng mga pulis na sina SPO1 Oro at SPO1 Desendario.

Pagkatapos ng operasyon ay inipresinta kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang mga suspek sa isnag pulong pambalitaan.

Sinabi ng alkalde na bahagi ito ng mas pinaigting na kampanya nito sa peace and order sa bayan ng Kabacan.

Aniya, walang puwang ang mga criminal sa bayan ng Kabacan.

Napag-alaman mula kay PSI Ronnie Cordero na walo ang kabuuang nahui nila sa magkakahiwalay na lugar sa isinagawang one time big time.

Maliban sa Brgy. Lower Paatan hinalughog din nila ang bahay ni Rex Bacana ‘alias’ toto sa sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan at nakuha ang mga baril at bala sa kanya.

Huli din ang isang Bai Lindongan Guiamalod, nasa tamang edad at residente ng Brgy. Kayaga, Kabacan makaraang makuhanan ng ipinagbabawal na droga.

Ayon kay Mayor Guzman, magtuloy-tuloy ang nasabing operasyon upang malinis ang bayan ng Kabacan sa illegal na droga, kriminalidad at maibalik ang pagyabong ng ekonomiya at pag-unlad ng Kabacan. Rhoderick Beñez



Empleyado ng Pres. Roxas LGU, patay sa pamamaril

(North Cotabato/ November 26, 2015) ---Patay ang isang kawani ng Pamahalaang Lokal ng bayan ng President Roxas makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa Brgy. Labuo ng nabanggit na bayan mag-aalas 8:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Romy Duot Castañares, hepe ng President Roxas PNP ang biktima na si Antonio Cuaresma Doton, 52-anyos, may asawa at Municipal Agriculturist 1.

NBI, PNP clearance sa pagkuha ng lisensiya sa LTO, inaasahang i-suspende anumang araw simula ngayon ---LTO Kabacan District

(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2015) ---Anumang araw simula ngayon ay posibleng isuspende ng Land Transportation Office o LTO ang bagong panuntunan nito na nag-aatas sa mga kukuha ng professional driver’s license na kumuha ng clearance sa pulisya at NBI.

Ito ayon kay LTO Kabacan District Head Ansary Sumpingan sa panayam ng DXVL News. Ayon sa opisyal posible ngayong araw ay ibababa ng Regional Office 12 ang nasabing kalatas na nag-su-suspende sa nasabing panukala.

Ex-Board of Director ng COTELCO, ihahatid na sa kanyang huling hantungan ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2015) ---Ihahatid na ngayong araw sa kanyang huling hantungan ang namayapang dating Board of director ng Cotabato electric Cooperative Kabacan District matapos na binawian na ito ng buhay noong Biyernes ng gabi.

Pumanaw sa edad na 64 si Merca Laogan Bao-ay dahil sa iniinda nitong karamdaman na stage 3 Ovary Cancer.

Alas 7:30 ngayong umaga ay gagawin ang funeral service sa kanilang simbahan sa Brgy. Bannawag.

PNP Kabacan, blanko pa sa mga suspek na responsable sa Moreno’s Killing

(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang gingawang imbestigasyon ng mga kapulisan sa kung sinu ang responsable sa pagpalang kay Taya Jun Talusan Moreno, 53-anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Plang Village II, Poblacion ng bayang ito.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP inaalam pa nila ang motibo sa nasabing krimen.

Drayber, huli sa illegal na droga sa Libungan, NCot

(Libungan, North Cotabato/ November 25, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang drayber makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa inilatag na buy-bust operation ng mga pulisya sa bayan ng Libungan, North Cotabato alas 11:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Libungan PNP ang suspek na si Florante Lapay Natad, alias Nonoy, 44-anyos, drayber ng J-one builders at residente ng zone 2, Brgy Poblacion ng nabanggit na bayan.

Tulak droga, timbog ng Makilala PNP

(Makilala, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Kalaboso ngayon ang isang tulak droga makaraang mahuli ng mga elemento ng Makilala PNP sa bahagi ng National Highway sa Sitio Bagong ng Brgy. San Vicente, Makilala, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Makilala PNP ang suspek na si Raffy Suarez Reyes, 38-anyos, may asawa at residente ng ng Brgy. Luna Sur ng nasabing bayan.
Nakuha mula sa suspek ang isang heat sealed transparent sachet na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na ‘shabu’.

Panibagong insidente ng nakaw ng motorsiklo, naitala ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Tinangay ng mga di pa nakikilalang mga suspek ang isang motorsiklo sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Pedtad, Kabacan, Cotabato kahapon ng madaling araw.

Dumulog sa Kabacan PNP ang biktimang si Dondon Mohammad Kaup, 32- anyos, residente ng nasabing lugar kungsaan napansin nitong nawawala na ang kanyang motorsiklo bandang alas 4:00 ng madaling araw kahapon.

Bagong rules and regulations at mga requirements sa pagkuha ng Driver’s License sa LTO, inilabas na!

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Inilabas na ng Land Transportation Office o LTO ang administrative order sa bagong rules and regulation na ipinaptupad sa pagkuha ng bagong driver’s license.

Ayon, kay Kabacan District LTO Head Ansary Sumpingan kabilang na dito ang pag isyu ng student permit at driver’s license.

Sa pag-isyu ng student permit ang mga sumusunod: kailangang may medical certificate at birth certificate o authenticated certificate na galing sa National Statistics Office.

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ November 25, 2015) ---Patay ang isang 48-anyos na magsasaka ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek habang nakasakay sa kanyang alagang kalabaw sa bahagi ng Purok 4, Brgy. Tonganon, Carmen, North Cotabato alas 4:30 ng hapon noong Lunes.

Kinilala ni PCI Julius Reovoca Malcontento, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Edison Hornada  Serbito, 48-anyos, may asawa at residente ng Purok 1 ng nabanggit na lugar.

Purok President ng Plang Village, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 25, 2015) ---Dead on Arrival sa bahay pagamutan ang Purok President ng Plang Village makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek  sa harap ng USM Annex tapat lamang ng kanilang entrance gate na nasa Aringay road, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 4:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Taya Jun Talusan Moreno, 53-anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Plang Village II, Poblacion ng bayang ito.

Daan-daang mga Senior Citizens, nabiyayaan ng ‘Libreng Antipara’ ng Provincial Government

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Abot sa mahigit sa 600 mga Senior Citizens ang nabiyayaan ng ‘Libreng Antipara’ na inihandog ng Provincial Government sa mga matatanda sa bayan ng Kabacan, kanina.

Ayon kay Administrative Assistant David Don Saure ang nasabing aktibidad ay bahagi ng ‘Serbisyong Totoo’ program ni Gov. Lala Taliño Mendoza.

2-3 oras na rotational brownout, aasahan sa service area ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ November 23, 2015) ---Aasahan ang 2-3 oras na rotational brownout sa service area ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco, araw-araw hanggang sa unang linggo ng Disyembre.

Ito ang inilabas na anunsyo ng pamunuan ng Cotelco matapos ang di inaasahang pag-shut down ng Therma South Inc. o TSI Unit 2 na nag-po-produce ng 130MW at ang ipinapatupad na Preventive Maintenance ng Therma Marine Inc. o TMI Engine 2 na may 50MW capacity.

Dahil dito, sinabi ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio na posibleng hanggang sa Unang araw pa ng Disyembre maayos at maibalik ang serbisyo ng nasabing mga Independent Power Producer Plant sa ilalim ng pamamahala ng Aboitiz Power.

Mahigit 400 na mga buntis dumagsa sa “Buntis Congress” sa provincial capitol; blood-letting isinagawa din

AMAS, Kidapawan City (Nov 24) – Dinagsa ng abot sa 400 na mga buntis mula sa iba’t-ibang munisipyo at nag-iisang lungsod sa Lalawigan ng Cotabato ang Provincial “Buntis Congress” sa Provincial Capitol gymnasium kahapon, Nov. 19, 2015.

Ayon kay Cotabato Integrated Provincial Health Office (IPHO) Head Dr. Eva C. Rabaya, ang aktibidad ay bahagi ng Universal Health Care High Impact 5 Hi-Five Hospital na isinusulong ng Dept of Health o DOH kung saan partner ang mga government hospitals tulad ng Cot Provincial Hospital o CPH.

Kampanya para sa kalusugan nais pang palakasin ng mga BNS sa Cotabato, 2-day BNS congress matagumpay

AMAS, Kidapawan City (Nov. 24) – Upang matulungan ang pamahalaan sa kampanya nito para sa kalusugan ng mamamayan, nais ngayon ng mga Barangay Nutrition Scholars o BNS sa Lalawigan ng Cotabato na palakasin pa ito sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mahusay na implementasyon ng mga health programs.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng BNS Provincial Federation sa ginanap na 4th Gov Lala Provincial Federation Congress sa Provincial Captiol Gymnasium nitong Nov. 12-13, 2015.

2 Katao, nahulihan ng illegal na droga sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Arestado ang dalawa katao makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa kalye ng Tandang Sora, Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:20 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Rhosman Dataya Pedtamanan, 28 anyos, residente ng Purok Nasay, Brgy. Kilagasan at si Samrudin Abas, 27 anyos, residente ng Poblacion, Carmen.

'Oil Rollback', inilarga!

(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015) ---Muli namang nagpatupad ng bawas presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies sa bayan ng Kabacan ngayong araw.

Sa abiso kahapon ng shell, bumaba ng P0.60 sa kada litro ng kanilang gasolina, P0.80 kada litro sa kerosene habang 0.45 naman sa diesel.

Ang petron corporation naman ay bumaba ng P0.75 kada litro ang kanilang gasolina, habang P0.50 naman para sa kanilang diesel at P0.80 din sa kerosene.

3 Katao, magkahiwalay na na-arestado matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 23, 2015) ---Arestado ang dalawa katao makaraang mahulihan ng di lisensyadong baril sa inilatag na highway check ng Joint Task Force Kabacan sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato Biyernes ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero Hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sila Tong Calim Pananggilan, 40 anyos at si Bagonaed Calim Pananggilan 44 anyos at parehong residente ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga ng bayang ito.

1 year Anniv ng Mlang Bombing gugunitain sa pamamagitan ng ‘candle lighting’

(Mlang, North Cotabato/ November 22, 2015) ---Eksakto isang taon na bukas ang nangyaring pagsabog sa billiard hall ng Mlang, North Cotabato na ikinamatay ng tatlong katao noong November 23, 2014.

Ayon kay Mlang Mayor Joselito Piñol, mag-aalay ng panalangin at magtitirik ng kandila ang mga pamilya ng nauliling Mlang bombing habang hustisya pa rin ang sigaw ng mga ito.

Suspected Bomber, timbog sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ November 22, 2015) ---Arestado ng mga otoridad sa Kidapawan City ang isang suspected bomber sa inilatag na highway check ng Kidapawan City PNP sa bahagi ng Balindog, Kidapawan city ala 1:30 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni Supt. John Meridel Calinga, hepe ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Mark Garde Villamor, 35, residente ng Poblacion, Matalam, North Cotabato.

Batay sa ulat, lulan ang suspek sa kanyang motorsiklo ng ma-flag down ng mga pulisya habang ipinapatupad ang “Oplan Lambat Bitag Sasakyan” sa National Highway.

‘The Teduray Oral Narratives in Upi, Maguindanao…’ wagi sa Arts Category ng CAS In-house Review

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 22, 2015) ---Nagsagawa nitong Biyernes ang College of Arts and Sciences CAS ng Research and Extension In-house Review para sa best paper at presenter ngayong taon.
Kabilang sa mga ini-representa ng mga faculty researcher ng kolehiyo, ay ang labing apat (14) na research output para sa science category at anim (6) na para sa Arts category.
Inilahad ni Dr. Sedra Murray ang mga extension activities ngayong taon.

4 na kinatawan ng USM, dumalo sa kauna-unahang Public service conference

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 22, 2015) ---Dinaluhan nina Dr. Elizabeth E. Molina, Prof. Eugene G. Ranjo, Dr. Vrenelie D. Flores at professor Jigszel Divine Basoy ang kauna-unahang public service nitong nakaraang Nov. 16- 17, 2015 na inorganisa ng University of the Philippines na ginanap sa Lahug, Cebu City.

Sa naturang conference, inilahad ng mga kinatawan ng pamantasan ang mga mahahalagang extension projects na ginagawa ng ibat- ibang kolehiyo sa mga komunidad.

2 sa 3 granada, sumabog sa Sultan Kudarat, 11 katao sugatan

(North Cotabato/ November 22, 2015) ---Binulabog ng malakas na pagsabog ang besperas ng Kalimutan Festival sa lalawigan ng Sultan Kudarat makaraang sumabog ang dalawa sa tatlong granada na ikinasugat ng 11 katao alas 8:20 kagabi.

Napag-alaman na nangyari ang pagsabog habang isinagawa kagabi ang Executive Night sa gymnasium ng Sultan Kudarat habang concert naman sa likuran ng naturang gym.

Ayon sa report abot sa 11 ang sugatan makaraang sumabog ang dalawa sa tatlong granada na hindi pa masiguro kung itinapon o inilagay provincial kapitol ng Sultan Kudarat kung saan sana isasagawa ang isang concert.