(North Cotabato/ November 22, 2015) ---Binulabog
ng malakas na pagsabog ang besperas ng Kalimutan Festival sa lalawigan ng
Sultan Kudarat makaraang sumabog ang dalawa sa tatlong granada na ikinasugat ng
11 katao alas 8:20 kagabi.
Napag-alaman na nangyari ang pagsabog habang
isinagawa kagabi ang Executive Night sa gymnasium ng Sultan Kudarat habang
concert naman sa likuran ng naturang gym.
Ayon sa report abot sa 11 ang sugatan
makaraang sumabog ang dalawa sa tatlong granada na hindi pa masiguro kung
itinapon o inilagay provincial kapitol ng Sultan Kudarat kung saan sana
isasagawa ang isang concert.
Kinilala ang mga sugatan na sina Abix
Mamansuan Sandigan, 33, residente ng Poblacion Buluan Maguindanao, Regine
Simsim, 40 residente ng barangay Lagilayan SK, Darius John Padilla, 6, residente
ng barangay Lagilayan SK, Jasper Linda, 11, Baltazar Linda, 49, Cenilia Linda,
45 pawang mga residente ng barangay Bambad Isulan, Sahid Salindab, 27, Ann Janeth Latip Salindab, 21 na pawang mga residente ng barangay Poblacion
Columbio SK, Michael John Cinco, 20, residente ng brgy Kalawag 1 SK Lilibeth
Perolino, 45, residente ng barangay Bambad Isulan at kritikal naman ang lagay
ni Almasir Ibrahim, 22 residente ng pob Columbio SK at kasalukuyang inilipat sa
isang pagamutan sa Davao City.
Agad namang kinordon ng mga kapulisan ang
lugar na pinagsabugan at nakita sa likod ng mga naka file na soundbox na
gagamitin para sa concert ang isa pang hindi sumabog na granada.
Bandang alas 6:44 ng umaga kanina ng ma-i-detonate
ang nasabing fragmentation grenade.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pagpapasabog. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento