(Kidapawan City/ November 22, 2015) ---Arestado
ng mga otoridad sa Kidapawan City ang isang suspected bomber sa inilatag na
highway check ng Kidapawan City PNP sa bahagi ng Balindog, Kidapawan city ala
1:30 ng madaling araw kanina.
Kinilala ni Supt. John Meridel Calinga, hepe
ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Mark Garde Villamor, 35, residente ng Poblacion,
Matalam, North Cotabato.
Batay sa ulat, lulan ang suspek sa kanyang
motorsiklo ng ma-flag down ng mga pulisya habang ipinapatupad ang “Oplan Lambat
Bitag Sasakyan” sa National Highway.
Narekober mula sa suspek ang isang granada
na nakasilid sa kanyang ‘sling bag’.
Sa ngayon kalaboso ang suspek habang
inihahanda na ang kaosng kakaharapin nito.
Nagsasagawa na ngayon ng malalimang
imbestigasyon ang mga otoridad kung ang suspek ay kasapi ng mga lawless group
na responsable sa panghahagis ng granada sa bayan ng Kabacan at nangyaring
pagpapasabog ng Van sa Davao City. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento