Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2-3 oras na rotational brownout, aasahan sa service area ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/ November 23, 2015) ---Aasahan ang 2-3 oras na rotational brownout sa service area ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco, araw-araw hanggang sa unang linggo ng Disyembre.

Ito ang inilabas na anunsyo ng pamunuan ng Cotelco matapos ang di inaasahang pag-shut down ng Therma South Inc. o TSI Unit 2 na nag-po-produce ng 130MW at ang ipinapatupad na Preventive Maintenance ng Therma Marine Inc. o TMI Engine 2 na may 50MW capacity.

Dahil dito, sinabi ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio na posibleng hanggang sa Unang araw pa ng Disyembre maayos at maibalik ang serbisyo ng nasabing mga Independent Power Producer Plant sa ilalim ng pamamahala ng Aboitiz Power.

Humihingi din ng pang-unawa sa miyembro konsumedures ang Cotelco, dahil hindi lamang ang kanilang kooperatiba ang apektado dito bagkus maging ang ilang distribution utilities sa Mindanao.

Humahanap na rin ngayon ng makukuhanan ng ibang supply ng kuryente ang cotelco sa pamamagitan ng pag-re-market.

Sa ngayon kasi, nasa 18-19MW lamang ang pinapa-maintain ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa kooperatiba.


Kaya aasahan na ang 2-3 oras na brownout araw-araw, pero kung anung eksaktong oras ito ipapatupad, wala pang schedule ang Cotelco dito. USM Devcom Intern Jayson Remo

0 comments:

Mag-post ng isang Komento