Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Purok President ng Plang Village, patay sa panibagong insidente ng pamamaril sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 25, 2015) ---Dead on Arrival sa bahay pagamutan ang Purok President ng Plang Village makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek  sa harap ng USM Annex tapat lamang ng kanilang entrance gate na nasa Aringay road, Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 4:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Taya Jun Talusan Moreno, 53-anyos, may asawa, isang negosyante at residente ng Plang Village II, Poblacion ng bayang ito.

Batay sa ulat, pauwi ang biktima buhat sa Brgy. Hall ng Poblacion sakay ng kanyang  kulay pulang 150R Scoter ng pagdating sa lugar ay pinagbabaril ng riding tandem criminals.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kaliwang tenga nito.

Gamit ng suspek ang kalibre .45 na pistola batay sa mga bala na narekober sa crime scene.

Naisugod pa sa Kabacan Medical Specialist ang biktima pero binawian na rin ito ng buhay.

Ayon kay Kapitan Mike Remulta ng Brgy. Poblacion, bago nangyari ang insidente ay nag-usap pa sila ng biktima.

Pero bigla itong nagpaalam sa kapitan upang umuwi dahil sa nababadyang pagbuhos ng ulan.
Posible umanong binantayan ang biktima ng mga riding criminals ng ito ay pauwi na.

Hindi lubos maisip ni Misis Luz ang sinapit ng kanyang mister, dahil wala naman umanong nakikitang kalaban ang mister dahilan para ito paslangin.

Kung matatandaan, pinasabugan din ng granada ang bahay ng biktima noong Enero a-12 ng kasalukuyang taon.


Nagsasagawa na ngayon ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa sinapit ni Moreno at inaalam ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento