(Kabacan, North Cotabato/ November 27, 2015)
---Limang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao ang nakapasok sa Department
of Agriculture Biotechnology Scholarship.
Ayon kay Dr. Emma K. Sales program Coordinator
ng nasabing scholarship kabilang sa mga nakapasok dito ay ang mga sumusunod: Alvin
John Quitel isang 4th year BS agriculture Plant Breed and Genetics major,
Monalyn Marimpoong 3rd year BSA PBG major, Noralyn Sumpangan 1st
year BS Bio, Halima Aliudin 1st year BS Bio at si Patrick Suarez 1st
year BS Chemistry.
Ang mga ito ay kwalipikado batay sa mga panuntunan
ng nasabing scholarship.
Kasama sa mga naging coordinator ay si Professor
Harem Roca ng College of Agriculture na sumuri sa kwalipikasyon ng bawat mga mag-aaral
na nagsumite sa naturang scholarship.
Ang mga scholars ay makakatanggap ng P6,000
na tuition fee per semester, P4,000 para sa textbook, P500 para sa PE uniform
P1,000 para sa transportation allowance at P7,000 na sahod.
Ang lima ay kinilala rin sa National
Biotechnology week na ginanap sa Dasmariñas Cavite noong November 23, 2015 na
may temang “ Bioteknolohiya: Kaagapay ng Mamamayan sa Pambansang Kaunlaran
“Angat tayo sa Bioteknolohiya.” Nhor Bantas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento