(Kabacan,
North Cotabato/ November 26, 2015) ---Anumang araw simula ngayon ay posibleng
isuspende ng Land Transportation Office o LTO ang bagong panuntunan nito na
nag-aatas sa mga kukuha ng professional driver’s license na kumuha ng clearance
sa pulisya at NBI.
Ito
ayon kay LTO Kabacan District Head Ansary Sumpingan sa panayam ng DXVL News. Ayon
sa opisyal posible ngayong araw ay ibababa ng Regional Office 12 ang nasabing
kalatas na nag-su-suspende sa nasabing panukala.
Sa
pagdinig kasi ng national budget ng DOTC kinuwestiyon nina Senate President
Franklin Drilon at Senate Pro Tempore Ralph Recto ang nasabing polisiya na
anila’y pahirap lamang sa mga mamamayan.
Ayon
kay Recto, dapat lang na suspendihin muna ito dahil delayed naman ang
paglalabas ng mga plaka ng mga sasakyan at nababalam rin ang pagpapalabas ng
mga driver’s license.
Kinuwestiyon
naman ni Drilon kung anong klaseng impormasyon sa mga pulis at NBI clearance
ang magiging daan upang hindi mabigyan ng driver’s license ang isang kumukuha
ng lisensiya.
Sabi
naman ni DOTC Sec. Joseph Emilio Abaya, ang mga krimen ay tungkol sa “crime
against persons at property at moral certitude.”
Dahil
hindi sapat para kay Drilon ang mga paliwanag na natanggap, iginiit nito sa
DOTC na pansamantalang ipasuspinde sa LTO ang nasabing bagong polisiya.
Pero
ayon kay Ansary, hihintay muna nila ang
MOA circular bago ipatutupad ang pagsuspende sa rules and regulation governing
the issuance of student Permit at Driver’s license. Habang wala pang Memoramdom
sa nasabing pagsuspende, patuloy nilang ipatupad ang bagong patakaran ng LTO.
Aminado
naman si Ansary na marami sa mga kumukuha ng Driver’s license ang nagrereklamo
sa nasabing bagong batas. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento