(Kabacan, North Cotabato/ November 24, 2015)
---Arestado ang dalawa katao makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa
kalye ng Tandang Sora, Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:20
kagabi.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng
Kabacan PNP ang mga suspek na sina Rhosman Dataya Pedtamanan, 28 anyos,
residente ng Purok Nasay, Brgy. Kilagasan at si Samrudin Abas, 27 anyos,
residente ng Poblacion, Carmen.
Natimbog ang mga suspek habang nagsasagawa
ng pagpapatrolya ang mga Task Force Kabacan kungsaan pinagdududahan ng mga
pulisya ang ikinikilos ng mga suspek.
Nakuha mula sa mga suspek ang ilang drug
paraphernalia’s pati ang isang pinaniniwalaang shabu.
Agad namang ipiniit ang mga ito sa Kabacan
PNP lock-up cell at inihahanda na ang kasong kakaharapin ng mga suspek na
paglabag sa RA 9165 o ‘comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002’. Konektado ka
sa mga balita, USM Devcom Intern Tantz Piang Jr. DXVL News!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento