Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ex-Board of Director ng COTELCO, pumanaw sa edad 64

(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2015) ---Pumanaw na sa edad na 64 ang dating Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco Board of Director ng Kabacan District na si Merca Laogan Bao-ay bandang alas 8:30 kagabi.
Ito ang kinumpirma ng isa sa mga miyembro ng MSEAC sa Kabacan.
Tuluyang binawian ng buhay ang dating Borad of Director matapos ang iniindang karamdaman nito na ‘stage 3’ na sakit na cancer.

Planning Officer ng CFCST, nasa 'stable' na kalagayan na matapos tambangan sa Pres. Roxas, NCot

(Pres. Roxas, North Cotabato/ November 21, 2015) ---Sugatan ang Planning Officer ng Cotabato Foundation College of Science and Technology makaraang pagbabarilin sa Sitio Upper Ipuan, Poblacion, Pres. Roxas, North Cotabato alas 8:00 kaninang umaga.

Sa impormasyon na nakalap ng DXVL News kinilala ang biktima na si Dr. Cedric Mantawil, dating councilor ng Kabacan at head ng MDRRMC.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang Honda city pauwi dito sa bayan ng Kabacan ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek na sinasabing mga riding criminals.

2016 Annual Budget ng Probinsya ng Cotabato aprubado na

(North Cotabato/ November 19, 2015) ---Abot sa P2Bilyon ang naaprubahang Annual proposed budget para sa taong 2016 ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato.

Base sa report ng Committee budget and Appropriations ni 1st District Board Member Shirlyn Macasarte ang nasabing pondo ay manggagaling sa Internal Revenue Allotment o IRA na 1Billion pesos; 218Million pesos mula sa income galing sa permits and licenses at business income; at tax revenue and real property tax na 42 Million pesos.

Mga Magsasaka Napagkalooban ng Libreng Seedlings ng Kape mula sa OPA

(North Cotabato/ November 20, 2015) ---Abot sa 2,000 piraso na dekalidad na Robusta Coffee seedlings ang naipamahagi ng libre ng Office of the Provincial Agriculturist ng Cotabato Province sa apat na magsasaka mula sa Aleosan kamakailan (11/13/15).

Ang kabuuang halaga nito ay P40,000.00. Mula naman ito sa pondo ng na ipinagkaloob ng DA-RFO 12 ayon sa ulat na isinumite ng Provincial Coffee Coordinator ng lalawigan na si Romulo Pacres.

Pamaskong Handog ni Gob Lala 2015 nagsimula na

AMAS, Kidapawan City (Nov 20, 2015) – Sa layuning mapasaya ang mga bata, lolo at lola ngayong kapaskuhan, maagang pamasko ang hatid ng Provincial Government of Cotabato sa 18 mga piling barangay  sa tatalong distrito ng lalawigan.

Ito ay sa pagsisimula ng “Pamaskong Handog ni Gob Lala 2015-Alay sa mga bata, lolo at lola” kung saan mismong si Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang nagtutungo sa mga barangay kasama ang mga personnel ng iba’t-ibang departamento ng kapitolyo.

Unang tinungo ng gobernadora ang Barangay Nuangan, Kidapawan City noong Nov. 9; sumunod naman ang Barangay San Vicente, Makilala (Nov. 11); Barangay del Pilar, Magpet (Nov. 12); Barangay Datu Inda, Pres. Roxas; (Nov. 16); Barangay Liliongan, Carmen (Nov. 17); Barangay Katipunan, Arakan (Nov. 18) at Barangay Bagontapay, M’lang (Nov 19). .   

9 na Barangay sa Kabacan, Benepisyaryo ng Artificial Insemination ng PCC-USM

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2015) ---Siyam na barangay sa bayan ng Kabacan ang naging benepisyaryo ng artificial insemination ng Philippine Carabao Center (PCC) na kung saan kasalukuyang isinasagawa sa taong ito.

Ito ayon kay PCC Director Benjamin Basilio sa panayam ng DXVL News kung saan 85 mga kalabaw ang isinailalim sa Artificial Insemination.

Kabilang sa mga barangay na ito ay ang mag sumusunod: Brgy. Upper Paatan, Katidtuan, Sanggadong, Dagupan, Bangilan, Bannawag, Kayaga, Pedtad at Aringay.

Presyo ng Bigas sa bayan ng Kabacan, bahagyang tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ November 19, 2015) ---Bahagyang tumaas ang presyo ng bigas sa Pamilihang Bayan ng Kabacan, ngayong buwan.

Ito ayon sa isa sa mga may ari ng isang rice retailer at wholesaler nasi Oscar Aguilar ng Kabacan Public Market.

Ilan sa mga dahilan kung bakit bahagyang gumalaw ang presyong commercial rice ay dahil patapos na ang anihan.

Mga Blood Donors, hinikayat na mag-donate ng dugo sa gagawing ‘Bloodletting Activity’ ng Brgy. Poblacion re: 63rd founding Anniversary ng Barangay

(Kabacan, North Cotabato/ November 19, 2015) ---Hinikayat ni Brgy. Poblacion Kapitan Mike Remulta ang publiko na makilahok at mag donate ng dugo sa gagawing bloodletting activity sa darating na November 27, 2015.

Ito’y kaugnay sa pagdiriwang ng 63rd foundation Anniversary ng brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato na magsisimula sa November 26 2015.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang Interfaith, thanksgiving at brgy. Assembly sa unang araw.
   

Ilang mga Purok Presidents sa Poblacion, Kabacan binigyan ng mga handheld radio ng Alkalde re: security measures

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2015) ---Abot sa 18 mga Purok Presidents sa Poblacion ng Kabacan ang binigyan ni Mayor Herlo Guzman Jr. ng mga hand held radio, kahapon kasabay ng ginawang pagpupulong sa mga ito.

Ayon sa alkalde malaking tulong ang nasabing komunikasyon para sa pagbabantay ng seguridad sa Poblacion ng Kabacan.

Pinulong kasi ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP at ni Traffic Management Unit Head Ret. Col. Antonio Peralta ang ilang mag Purok opisyal hinggil sa muling pag-reactivate ng mga guarding system sa Poblacion.

Negosyante, inagawan ng motorsiklo at pinatay!

(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2015) ---Patay ang isang lalaki sa panibagong insidente ng pamamaril sa bahagi ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 6:30 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Danilo Cadot Angeles, nasa hustong gulang at residente ng Carmen, North Cotabato.

Batay sa ulat, sakay ang biktima sa kanyang kulay pulang Honda XR 200 na may license plate 2638 ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

USM, overall champion sa “Agri Tayo Soccsksargen TV program, First Anniversary ng DA XII

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Humakot ng parangal ang University of Southern Mindanao sa kakatapos na Agri Tayo Soccsksargen TV program, First Anniversary, isang TV Shoe ng Department of Agriculture na ginanap sa KCC Mall of Marbel, Koronadal City nitong Lunes.

Kampeon sa Agricultural video making contest si Judy Anne Lubiano, isang 4-BSIR student.

Socio-cultural group at sports team ng USM, humakot ng parangal sa katatapos na Mindanao Association of State Tertiary Schools Inc. (MASTS)

(Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Nasungkit ng USM Socio-cultural group ang 1st place habang overall champion ang Western Mindanao State University (WMSU) sa ranking ng Socio-Cultural events na nilahokan ng 29 state universities dito sa Mindanao.

Nag-uwi ng gold medal ang contemporary dance at folk dance. Silver para sa quiz bowl at charcoal rendering. Bronze para sa story telling, instrumental solo at pagsusulat ng sanaysay.

70-anyos na Lolo, patay matapos mabangga ng Van

(Matalam, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Patay ang isang lolo matapos masagasaan ng rumaragasang van sa kahabaan ng Davao- Cotabato Highway partikular sa crossing Cosuseco sa harap ng sea oil Gasoline station  Matalam North Cotabato kaninang alas 5:40 ng umaga.

Ayon kay Police Chief Inspector Sunny Rubas Leoncito, hepe ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Garcillano Dulay, 70-anyos, Residente ng  Brgy. Poblacion Matalam, North Coatabato.

Lalaking nakuryente sa pinagtatrabahuang Simbahan, kritikal pa rin ang kalagayan

(Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Kritikal pa rin ang kondisyon ngayon ng isang 33-anyos na lalaking makaraang makuryente sa tinatrabahuang simbahan sa Bonifacio Street, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Charlie Gonzaga Agustin, trienta tres anyos at residente ng Tondo, Poblacion, Carmen, Cotabato.

Aksidente umanong nasagi ng biktima ang live wire habang nagtatrabaho sa inaayos na Christ the King Parish dahilan kung bakit ito nakuryente at bumagsak sa lupa.

Umabot sa 70 degree burn ang natamong sunog ng biktima batay sa panayam ng DXVL News sa isa sa kanyang kamag-anak.

Obrero ng Quary site sa Marbel, Matalam, North Cotabato; sugatan sa pagsabog ng granada

(Matalam, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Sugatan ang isang obrero ng Quarry site makaraang sumabog ang granada sa isang bisinidad ng Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato kagabi.

Ayon kay Police Chief Inspector Sunny Rubas Leoncito, Hepe ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Jeffrey Mamasalido Sawal, trabahante ng quarry site. 

Batay sa ulat, nasira din ang parte ng isang unit ng Hitachi backhoe na pag mamay ari ni Dats Ambel na residente ng nasabing lugar.

Gov. Lala Taliño Mendoza, kinondena ang kalunos-lunos na pagpaslang sa 5 mga mag-kakamag-anak sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ November 18, 2015)---Sumampa na sa Lima ang namatay sa nangyaring pamamaril sa magkakamag-anak kabilang ang tatlong bata matapos paulanan ng bala ng mga di-kilalang kalalakihan ang loob ng kanilang bahay sa Purok 1, Barangay Ugalingan sa bayan ng Carmen, North Cotabato noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga napatay na sina Ebrahim Agal, 50; Sara Agal, 9; Pama Agal, 10; Mustafa Agal, 12; at Mohamed Agal, 18.

Naisugod naman si Jerry Liposil, 42 sa isang pagamutan sa Davao city habang sina Nasrudin Agal, 9; at si Maki Agal ay dinala sa Cotabato Provincial Hospital.

Van, pinasabog sa Davao City

(North Cotabato/ November 18, 2015) ---Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang nangyaring pagsabog ng isang pampasaherong Van sa Davao city, mag-aalas 10:00 ngayong umaga.

Sa impormasyong nakalap ng DXVL News, sinasabing kabababa lamang ng mga pasahero sa SM Ecoland at papunta sa isang carwash ng sumambulat ang pagsabog mula sa di pa matukoy na uri ng eksplosibo.

Nabatid na galing umano sa bayan ng Midsayap ang naturang Van na may biyaheng Davao City kaninang umaga ng mangyari ang insidente.

1,186 na botante ng Carmen, North Cotabato; walang biometrics; Mayor at Vice Mayor ng Carmen, unopposed

(Carmen, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Abot sa 1,186 na mga botante sa Carmen, North Cotabato ang walang biometrics.

Ito ayon kay Carmen Election Officer Carmen Francisco sa panayam ng DXVL News.

Kahapon ay isinagawa ang Election Regulatory Board na kinabibilangan ng Election Officer ng bayan, Local Civil Registrar at ng DepEd Supervisor.

Empleyado ng COSUSECO, biktima ng pamamaril sa bayan ng Matalam

(Matalam, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Sugatan ang isang empleyado ng Cotabato Sugar Central Corporation (Cosuseco) matapos ang isa na namang insidente ng pamamaril ang naganap sa Matalam-Antipas road, Purok Bato, Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato alas 7:20 kahapon ng umaga.

Sa report na nakarating kay PCI Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP kinilala nito ang biktima na si Ronald Ocampo Aglutay, 28-anyos, may asawa at residente ng Purok Mabuhay ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, sakay ang biktima sa isang Honda 110 motorcycle na may license plate MQ 5013 na minamaneho ng kanyang pinsan na si Angelito Aglutay, 35-anyos, kawani din ng nasabing kumpanya at pagdating sa lugar ay pinagbabaril ng mga di pa nakilalang mga suspek.

Tricycle Drayber, patay sa panibagong pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Patay ang isang tricycle drayber makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang mga riding criminals sa bahagi ng National Highway partikular sa harap ng Babol General Hospital, Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato pasado alas 11:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PCI Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Romeo Daqueuqag Tadaquen, 37-anyos, residente ng Brgy. Taculen ng nasabing bayan.

Reward system, muling binuhay ng LGU Kabacan re: sa mga sunod-sunod na panghahagis ng granada

(Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Magbibigay ng reward money si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa kung sino man ang makakapagturo sa mga responsable sa paghahagis ng granada dito sa Kabacan.

Ipinahayag ng alkade sa panayam ng DXVL News na magbibigay ito ng reward na nagkakahalaga ng 50,000 sa kung sino man ang informant na makapagturo sa mga responsable sa panghahagis ng granada sa bayan.

‘Task Force Kabacan’ muling binuo!

(Kabacan, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Sa bisa ng MPOC resolution bilang 2015-08, opisyal ng nabuo ang Task Force: Kabacan bilang  tugon sa tatlong magkakasunod-sunod na panghahagis ng Granada sa ibat-ibang lugar dito sa Barangay Poblacion na lumikha ng takot at pangamba sa taong bayan.

Ang nasabing Task Force ay ang konkretong aksyon ng Local na Pamahalaan ng Kabacan, PNP, AFP at ibat-ibang Law enforcement Agencies upang mabigyan ng agarang solusyon ang nasabing problema.

Magkakamag-anak, pinagbabaril sa Carmen, North Cotabato 5 patay, 3 sugatan; 3 survivor

(Carmen, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Magkakasabay na sinalubong ni kamatayan ang limang mag-kakamag-anak sa nangyaring pamamaril sa Purok 1, Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato alas 7:30 kagabi.

Sa impormasyong nakuha mula kay PCI Bernard Tayong tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO nakilala ang mga nasawi na sina Sara Agal, 9-anyos; Pama Agal, 10 taong gulang, Mustafa Agal, 12-anyos at Ebrahim Agal 50-anyos at Mohamed agal, 18-anyos.

Mahigit 100 mga sasakayan, huli sa sinagawang lambat bitag sa bayan ng Mlang

(Mlang, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Nasa 146 na mga sasakyan karamihan ay mga motorsiklo ang nahuli ng mga kapulisan sa inilatag nilang Oplan Lambat Bitag sasakyan sa bayan ng Mlang, North Cotabato nitong Sabado.

Nanguna mismo sa nasabing operasyon si P/SSupt. Alexander Tagum, ang Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO.

Ayon sa opisyal ang nasabing operasyon ay bahagi ng kanilang kampanya hinggil sa anti-carnapping sa lalawigan.

‘Walang casualty sa panibagong panghahagis ng granada sa Kabacan' - PNP Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2015) ---Muli na namang ginimbal ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan makaarang hagisan ng granada ang parking area ng Petron Gas Station na nasa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 7:00 ngayong gabi lamang.

Sa impormasyong nakalap ng DXVL News kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP na nagsasagawa sila ng routinary patrol at check point sa mga pangunahing kalye ng Poblacion ng marinig ang malakas na pagsabog.

Kasapi ng PNP sa North Cotabato na mag-positibo sa drug test, sisibakin sa serbisyo –ayon sa Provincial Director

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Iginiit ng pamunuan ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO na tatanggalin nila sa pwesto ang sinumang PNP Personnel na magpositibo sa drug test.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office kasabay ng isinagawang mandatory drug test noong Biyernes.

Ayon sa opisyal, walang puwang sa hanay ng mga kapulisan ang mga drug user at ang mga nag-poprotekta sa mga illegal na gawain.

PNP Kabacan naka-full heightened alert kaugnay sa APEC Summit

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Naka full heightened alert ngayon ang Kabacan PNP kaugnay sa gagawing  Asia-Pacific Economic Cooperation o (APEC) Summit ngayong Nobyembre a-18 hanggang 19 ng kasalukuyang taon.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero batay naman sa deriktiba ng pambansang Pulisya.

Samantala, malaki ang paniniwala ni Cordero na isolated ang nangyaring panghahagis din ng granada sa Brgy. Kagaya ng bayang ito na ikinasugat ng 4 na taong gulang na bata alas 7:00 ng gabi noong Miyerkules.

Task Force Kabacan, ilalagay matapos ang sunod-sunod na pamomomba sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Aprubado na kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. at P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office ang paglalagay ng ‘Task Force Kabacan’.

Ito ang ibinunyag ni PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP matapos ang sunod-sunod na panghahagis ng garanada sa Kabacan.

Extortion, isa sa mg anggulong sinusundan ng mga otoridad sa panibagong pagpapasabog sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Extortion ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga pulisya sa panibagong pagpapasabog sa bayan ng Kabacan alas 6:30 ng gabi noong Sabado.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP habang patuloy pa nilang iniimbestigahan ang pangyayari.

Ayon sa opisyal, noong nakaraang taon ay doon din inilagay ang Improvised Explosive Device o IED kungsaan na disrupt at natamaan ang dalawang biktima.