Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Planning Officer ng CFCST, nasa 'stable' na kalagayan na matapos tambangan sa Pres. Roxas, NCot

(Pres. Roxas, North Cotabato/ November 21, 2015) ---Sugatan ang Planning Officer ng Cotabato Foundation College of Science and Technology makaraang pagbabarilin sa Sitio Upper Ipuan, Poblacion, Pres. Roxas, North Cotabato alas 8:00 kaninang umaga.

Sa impormasyon na nakalap ng DXVL News kinilala ang biktima na si Dr. Cedric Mantawil, dating councilor ng Kabacan at head ng MDRRMC.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa kanyang Honda city pauwi dito sa bayan ng Kabacan ng pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek na sinasabing mga riding criminals.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang kaliwang kamay si Mantawil na mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan.

Sa pinakahuling impormasyong nakalap ng DXVL News nasa ‘stable’ na kondisyon na si Dr. Mantawil na ngayon ay ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas, Kidapawan City.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pamamaril habang tinutugis ang mga suspek na responsible sa nasabing pamamaril at inaalam pa ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento