Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tricycle Drayber, patay sa panibagong pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 17, 2015) ---Patay ang isang tricycle drayber makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang mga riding criminals sa bahagi ng National Highway partikular sa harap ng Babol General Hospital, Brgy. Poblacion, Matalam, Cotabato pasado alas 11:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ni PCI Sunny Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Romeo Daqueuqag Tadaquen, 37-anyos, residente ng Brgy. Taculen ng nasabing bayan.

Batay sa ulat minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle na kulay pula at may license plate LG 7090 at may side car body number 01-198 papuntang Matalam Rotunda ng pagdating na nasabing lugar ay pinagbabaril ng ilang beses ng mga suspek na lulan ng kulay pulang Kawasaki Baja at walang plate number.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang tiyan at isang tama naman sa kanang bahagi ng kanyang tiyan.

Naisugod pa sa Babol Hospital ang biktima at nailipat naman sa Cotabato Provincial Hospital pero binawian din ito ng buhay.

Apat na basyo ng mga bala ang narekober sa crime scene buhat sa kalibre .45 na pistol.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon habang nagpapatuloy naman ang hot pursuit operation laban sa mga suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento