(Mlang, North Cotabato/ November
16, 2015) ---Nasa 146 na mga sasakyan karamihan ay mga motorsiklo ang nahuli ng
mga kapulisan sa inilatag nilang Oplan Lambat Bitag sasakyan sa bayan ng Mlang,
North Cotabato nitong Sabado.
Nanguna mismo sa nasabing
operasyon si P/SSupt. Alexander Tagum, ang Provincial Director ng Cotabato
Police Provincial Office o CPPO.
Ayon sa opisyal ang nasabing
operasyon ay bahagi ng kanilang kampanya hinggil sa anti-carnapping sa
lalawigan.
Karamihan sa mga naka-impound an
motorsiklo ay wala at expired ang CR/OR, walang driver’s license, walang helmet
at iba pang mga bayulasyon. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento