Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PNP Kabacan naka-full heightened alert kaugnay sa APEC Summit

(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2015) ---Naka full heightened alert ngayon ang Kabacan PNP kaugnay sa gagawing  Asia-Pacific Economic Cooperation o (APEC) Summit ngayong Nobyembre a-18 hanggang 19 ng kasalukuyang taon.

Ito ayon kay PSI Ronnie Cordero batay naman sa deriktiba ng pambansang Pulisya.

Samantala, malaki ang paniniwala ni Cordero na isolated ang nangyaring panghahagis din ng granada sa Brgy. Kagaya ng bayang ito na ikinasugat ng 4 na taong gulang na bata alas 7:00 ng gabi noong Miyerkules.


Sa ginawang imbestigasyon ng mga pulisya, sinabi ng drayber ng multicab na nasakyan ng mga bikitma na intensiyong tinapunan sila ng granada.

Karamihan kasi na sakay ng nasabing multicab ay mga Macalipat Family na tumutulong para mailagay ang Community Police Assistance Center o COMPAC sa nasabing lugar.

Nangyari kasi ang insidente, isang araw bago inilagay ang COMPAC sa lugar batay naman sa deriktiba ni Mayor Herlo Guzman Jr. sa mga kapulisan.


Dahil sa nasabing mga insidente, inatasan na ni Mayor Guzman ang mga pulisya na paigtingin pa ang pagbabantay sa lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento