(Kabacan, North Cotabato/ November 16, 2015)
---Extortion ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga pulisya sa panibagong
pagpapasabog sa bayan ng Kabacan alas 6:30 ng gabi noong Sabado.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni PSI Ronnie
Cordero, hepe ng Kabacan PNP habang patuloy pa nilang iniimbestigahan ang
pangyayari.
Ayon sa opisyal, noong nakaraang taon ay doon
din inilagay ang Improvised Explosive Device o IED kungsaan na disrupt at
natamaan ang dalawang biktima.
Posible umanong target sa nasabing
panghahagis ng granada ay ang LPG Gasul station na pag-mamay-ari ni Kabacan
Water District General Manager Ferdie Mar Balungay.
Ayon kay Cordero, ang mga modus operandi
kasi ng mga suspek sa ngayon ay naiiba.
Aniya, gagawa muna ng karahasan ang mga
suspek bago magbibigay ng sulat.
Pero nilinaw ng opisyal na isa lamang ito sa
mga anggulong sinusundan nila sa pagpanghahagis ng granada na ikinasugat ng
limang mga biktima kungsaan tatlo sa mga biktima ay nakalabas na ng ospital
habang nasa maayos namang kondisyon ang dalawang iba pa.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento