(Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015) ---Magbibigay ng reward
money si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa kung sino man ang makakapagturo sa
mga responsable sa paghahagis ng granada dito sa Kabacan.
Ipinahayag ng alkade sa panayam ng DXVL News na magbibigay ito ng reward
na nagkakahalaga ng 50,000 sa kung sino man ang informant na makapagturo sa mga
responsable sa panghahagis ng granada sa bayan.
Samantala 100,000 pesos naman ang ibibigay sa taong naghagis ng granada
kung sakaling susuko ito sa kinuukulan, nagbigay din ng assurance ang alkalde
na hindi ito papatawan ng kaso kung tatayo itong testigo laban sa pagtugis ng
master mind ng nangyaring pagpapasabog at makapagbibigay ng lead upang matuntun
ang mga ito.
Pinaniniwalaan na posibleng napag-utusan at binayaran lamang ang
naghagis ng granada.
Inaalam na ngayon ang tatlong anggulo sa tatlong magkasunod na pagsabog
sa bayan ng Kabacan, North Cotabato.
Una ay politika, dahil nalalapit na ang 2016 election, pangalawa ay
destabilization plot ng mga taong gustong manggulo sa bayan ng Kabacan para
siraan ang administrasyon ni Mayor Guzman. Pangatlo mga grupong may personal na
galit sa alkalde dahil sa pinaigting nitong kampanya laban sa pinagbabawal na
droga.
Samantala, nilinaw din ng alkalde na walang silang naging problema ni
brgy. Poblacion Chairperson Mike Remulta na umano naging maluwag sa kanyang
pagpatatupad ng seguridad sa mismong Poblacion ng bayan. Wala kasing mga
naka-tokang Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT member ng mangyari ang
nabanggit na mga insidente.
Una na ring nangako si Remulta na muli niyang bubuhayin ang pagroronda
ng mga BPAT lalo na sa mga matataong lugar ng Poblacion kasabay sa isinagawang
Municipal Peace and Order Council Meeting nitong Lunes. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento