(Kabacan, North Cotabato/ November 18, 2015)
---Kritikal pa rin ang kondisyon ngayon ng isang 33-anyos na lalaking makaraang
makuryente sa tinatrabahuang simbahan sa Bonifacio Street, Poblacion, Kabacan,
North Cotabato.
Kinilala ang biktima na si Charlie Gonzaga
Agustin, trienta tres anyos at residente ng Tondo, Poblacion, Carmen, Cotabato.
Aksidente umanong nasagi ng biktima ang live
wire habang nagtatrabaho sa inaayos na Christ the King Parish dahilan kung
bakit ito nakuryente at bumagsak sa lupa.
Umabot
sa 70 degree burn ang natamong sunog ng biktima batay sa panayam ng DXVL News
sa isa sa kanyang kamag-anak.
Patuloy
pa ring nagpapagamot ang biktima sa bahay pagamutan sa Southern Philippines
Medical Center (SPMC) sa Davao city.
Dahil
dito, nanawagan ng tulong ang pamilya ng biktima para sa dagdag suportang
pinansyal para sa mga gamot na kinakailangan araw-araw at sa iba pa nitong
gastusin.
Sinasabi
kasing hanggang ngayon ay hindi pa tumutugon ang Cotelco sa panawagan ng tulong
ng pamilya ng biktima. Rhoderick Beñez
with report from USM-Devcom Intern Xyra Tito
0 comments:
Mag-post ng isang Komento