(Kabacan,
North Cotabato/ November 19, 2015) ---Hinikayat ni Brgy. Poblacion Kapitan Mike
Remulta ang publiko na makilahok at mag donate ng dugo sa gagawing bloodletting
activity sa darating na November 27, 2015.
Ito’y
kaugnay sa pagdiriwang ng 63rd foundation Anniversary ng brgy.
Poblacion, Kabacan, Cotabato na magsisimula sa November 26 2015.
Kabilang
sa mga aktibidad ay ang Interfaith, thanksgiving at brgy. Assembly sa unang
araw.
Layon
ng bloodletting activity na madagdagan pa ang supply ng dugo upang magamit ng
mga indibidwal na nangangailangan.
Malaking
tulong umano ang malilikom na dugo sa pagliligtas ng maraming buhay lalo na’t
kulang ang supply ng dugo sa bayan.
Bukod
sa bloodletting program, magkakaroon din ng Medical at dental check-up, libreng
gupit at anti rabies vaccination na gagawin sa brgy. Hall sa darating na
November 27.
Sa
November 28, ay magkakaroon ng 3 points shooting competition at drum and boggle
competition.
Sa
November 29 naman ay magkakaroon ng parade at culmination program, at magiging
panauhing pandangal si Congressman Ping Ping Tejada. Sa mismong araw, ay
gagawin din ang concierto sa Poblacion. USM-DEVCOM
Intern JP Fernandez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento