(Carmen, North Cotabato/ November 17, 2015)
---Magkakasabay na sinalubong ni kamatayan ang limang mag-kakamag-anak sa
nangyaring pamamaril sa Purok 1, Brgy. Ugalingan, Carmen, North Cotabato alas
7:30 kagabi.
Sa impormasyong nakuha mula kay PCI Bernard
Tayong tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office o CPPO nakilala ang
mga nasawi na sina Sara Agal, 9-anyos; Pama Agal, 10 taong gulang, Mustafa
Agal, 12-anyos at Ebrahim Agal 50-anyos at Mohamed agal, 18-anyos.
Naisugod naman sa ospital sina Jerry Agal,
Nasrudin Agal at Maki Agal na ngayon ay ginagamot sa Cotabato Provincial
Hospital at Davao City.
Ilan sa mga batang biktima ay mag-aaral ng
Lumayong High School.
Batay sa ulat, walang habas na pinagbabaril
ang mga biktima ng mga di pa nakilalang mga suspek gamit ang di pa matukoy na
uri ng armas.
Tinadtad ng mga suspek ang bahay ng mga
biktima na malapit lamang sa ilog.
Maserte namang di natamaan ang isang 3 taong
gulang na bata na kinilalang Mojani Agal at ang lola nilang si Lipusin Agal,
63-anyos at isa pang kamasa nilang si Anida agal na sinasabing mga survivor.
Hindi naman namukhaan ng mga kapitbahay nila
ang mga armadong suspek kasi madilim ang pinangyarihan ng insidente.
Sa pahayag ni Kapitan Bong Bacana ng Brgy.
Kayaga, Kabacan sinabi nitong ang mga biktima ay residente ng Lumayong at bago
lamang sila nanirahan sa nasabing lugar.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng
mga kapulisan ang insidente habang inaalam pa ang motibo sa nasabing krimen.
Agad namang kinondena ni Gov. Emmylou ‘Lala’
Taliño Mendoza ang nasabing pangyayari kung saan nagpalabas na ito ng kanyang
Press Statement:
Press Statement of Gov. Lala in the Strafing
Incident in Barangay Ugalingan, Carmen and firing in Marbel, Matalam--- The latest strafing incident in Ugalingan,
Carmen cause the lives of inmocent civilians. The Indiscriminate firing in
Marbel, matalam cause the cancellation of medical mission. At the same time
there's an ongoing refresher course of more than 10,000 Barangay Tanods in 18
Towns to compliment the peace and inorder initiatives of our law enforcers and
local government units. Peace and order is everybody's business so we ask
everyone to be vigilant and cooperate with our law enforcers to give justice to
the victims and bring to justice the perpetrators. Source: Executive Secretary/
PGO-Media Center Focal Person Ralph Ryan Rafael. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento