(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2015) ---Pumanaw na sa
edad na 64 ang dating Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco Board of
Director ng Kabacan District na si Merca Laogan Bao-ay bandang alas 8:30
kagabi.
Ito ang kinumpirma ng isa sa mga miyembro ng MSEAC sa Kabacan.
Tuluyang binawian ng buhay ang dating Borad of Director matapos
ang iniindang karamdaman nito na ‘stage 3’ na sakit na cancer.
Inihalal ang opisyal noong Mayo 17, 2014 bilang Director sa
ginanap na election sa Kabacan Pilot Central Elementary School kungsaan
nagsilbi ito ng mahigit isang taon sa Cotelco Kabacan District.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento