(Kabacan, North Cotabato/
November 16, 2015) ---Iginiit ng pamunuan ng Cotabato Police Provincial Office o
CPPO na tatanggalin nila sa pwesto ang sinumang PNP Personnel na magpositibo sa
drug test.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni
P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial
Office kasabay ng isinagawang mandatory drug test noong Biyernes.
Ayon sa opisyal, walang puwang
sa hanay ng mga kapulisan ang mga drug user at ang mga nag-poprotekta sa mga
illegal na gawain.
Napag-alaman na ang ginawang
drug test kamakalawa lamang ay ikalawang batch na ito ng drug test sa hanay ng
mga kapulisan sa CPPO.
Posibleng sa mga susunod na
linggo ay mailalabas na ng drug test result ng mga kapulisan.
Samantala una ng inihayag ni
Tagum na tatlo ang nagpositibo sa illegal na droga sa una nilang mandatory drug
test na isinagawa.
Kabilang dito si PO3 Magoncia
kungsaan inilipat na siya sa Regional Headquarters habang nagpapatuloy ang
kasong kakaharapin nito habang nag-awol naman ang dalawa na kinabibilangan ni
PO3 Santos ng Kidapawan City PNP at si PO3 Lasiga na inalis na rin sa serbisyo.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento