(Kabacan, North
Cotabato/ November 16, 2015) ---Aprubado na kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
at P/SSupt. Alexander Tagum, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial
Office ang paglalagay ng ‘Task Force Kabacan’.
Ito ang ibinunyag ni PSI
Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP matapos ang sunod-sunod na panghahagis ng
garanada sa Kabacan.
Matatandaan na sugatan
ang lima katao sa panghahagis ng granada sa panulukan ng Malvar Street at Rizal
Street National Highway sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:30 noong Sabado
ng gabi.
Kinilala ni PSI Ronnie
Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga bikitma na sina: Berlie Baluyot, 46 taong
gulang, may asawa, residente ng Doña Aurora Street, Kabacan na tinamaan sa
kanyang kaliwang binti; Rosalie Pareñas, 36 taong gulang, residente ng Brgy.
Bannawag, Kabacan na tinamaan sa kanyang ulo; John Clark Mantilla Opena, 13
taong gulang residente ng Roxas Street, Kabacan na tinamaan sa kanyang kaliwang
paa; Gerardo Ombrete Moya, 48 taong gulang, may asawa, residente ng Maria Clara
Street, Poblacion Kabacan na tinaamaan sa kanyang kanang dibdib at si Johainna
Pops Suelo Alon, 17 taong gulang, residente ng Quirino street, Poblacion
Kabacan.
Ayon kay Cordero, mga
riding criminals ang mga responsable sa panghahagis ng granada na mabilis
namang tumakas sa di malamang direksiyon.
Matatandaan na noong
Nobyembre a-11, isang batang paslit din ang sugatan sa inihagis na granada sa
harap ng Rock Oil Gasoline Station sa Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan.
Dahil dito, malaking
tulong ang paglalagay ng ‘Task Force Kabacan’ para ma-augment ang karagdagang
pwersa ng pulsiya sa bayan ng Kabacan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento