(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2015)
---Siyam na barangay sa bayan ng Kabacan ang naging benepisyaryo ng artificial
insemination ng Philippine Carabao Center (PCC) na kung saan kasalukuyang isinasagawa
sa taong ito.
Ito ayon kay PCC Director Benjamin Basilio sa panayam ng DXVL News kung saan 85 mga kalabaw ang isinailalim sa Artificial Insemination.
Kabilang sa mga barangay na ito ay ang mag
sumusunod: Brgy. Upper Paatan, Katidtuan, Sanggadong, Dagupan, Bangilan,
Bannawag, Kayaga, Pedtad at Aringay.
Ayon sa opisyal, isinasagawa ang artificial
insemination sa mga kalabaw sapagkat nagkukulang ang gatas na ginagamit sa
paggawa ng Choco milk at iba pang mga produkto buhat dito.
Napag-alaman na malaking porsiento pa ng
produkto ng gatas ng bansa ay ina-angkat pa.
Dahil sa nasabing programa, malaking tulong
ito upang matugunan ang malaking bilang ng kakulangan ng gatas sa bansa, ayon pa kay Basilio.
Makakatulong din ito sa mga interesadong
magsasaka sapagkat hindi lang ito magtatarabaho sa palayan kundi magbibigay pa
ito ng gatas.
Iminungkahi din ni Basilio na mag allocate
ng fund ang mga local government, provincial level, regional level para sa
pag-aalaga ng Kalabaw. Rhoderick Beñez
with reports from USM Devcom Intern Nhor Bantas
0 comments:
Mag-post ng isang Komento